Ang Pagpigil at Pag-alaga ng mga Karaniwang Sakit ng mga Kidney sa Isang KlikAng mga sakit ng mga kidney ay lumalaganap. Maki-lahok sa dakilang misyon para sa pagpigil at pag-aalaga ng mga problema ng mga kidney.

« Table of Contents

Dialysis

Ang dialysis ay isang artipisyal na proseso na kung saan tinatanggal mula sa katawan ang mga produkto ng metabolismo at sobrang tubig. Ito ay panligtas-buhay na pamamaraan para sa mga taong may permanenteng o panandaliang paghina ng kidney.

Paano naktutulong ang Dialysis sa mga taong may malalang sakit sa kidney?

Ang dialysis ay tumutulong sa katawan sa pamamagitan ng paghalili sa mga tungkulin ng mga kidney:

  • Pag linis sa dugo sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga nakakapinsalang mga sangkap nito tulad ng creatinine, urea at iba pa.
  • Pag tanggal ng labis na tubig at pagpapanatili ng sapat na dami nito sa katawan.
  • Pagwawasto ng balanse ng mga asin at acid-base sa katawan ng tao

Gayunpaman, hindi magagampanan ng dialysis ang pangkalahatang trabaho ng normal na mga kidney. Isa dito ay ang paggawa ng ‘erythropoietin’ - isang hormone na kinakailangan upang mapanatili ang katanggap-tanggap na antas ng hemoglobin o pula ng dugo.

Kailan kinakailangan ang dialysis?

Kapag ang pag-ganap ng kidney sa tungkulin nito ay bumaba na ng 85-90% sa inaasahan, tinatayang naiipon ang mga lason o toxin at labis na tubig sa katawan. Ang pag-ipon ng mga ito ay nagdudulot sa mga sintomas tulad ng pagduduwal, pagsusuka, pamamanas at kakapusan sa paghinga. Ang mga sintomas na ito ay tinatawag na ‘uremia.’ Sa puntong ito, kung saan hindi sasapat ang mga konserbatibong panggagamot at pamamaraan, ang pasyente ay nangangailangan nang magsimula ng dialysis.

Mapapagaling ba ng dialysis ang pamatagalang sakit sa kidney?

Hindi. Ang pamataggalang sakit sa kidney ay hindi maibabalik. Sa sandaling humantong ang sakit sa kidney sa sukdulang yugto na ito, nangangailangan ang pasyente ng pamalagiang dialysis maliban na lamang kung siya ay matagumpay na sumailalim sa isang kidney transplant.

Anu-ano ang mga uri ng dialysis?

Mayroong dalawang uri ng dialysis. Ito ay ang hemodialysis at ang peritoneal dialysis.

Hemodialysis (HD): Sa hemodialysis, ang mga lason sa katawan at sobrang tubig ay tinatanggal mula sa katawan sa pamamagitan ng pag daan ng dugo sa espesyal na pansala o artipisyal na kidney (dialyzer) sa tulong ng makinang pang dialysis.

Peritoneal Dialysis (PD): Sa pamamaraang ito, isang malambot na lagusan o catheter ang inilalagay mula sa balat, patungo sa loob ng tiyan. Dito papasok at lalabas ang mga solusyon kung saan sasama ang mga toxin at sobrang tubig mula sa katawan. Ito ay maaaring gawin sa bahay, at karaniwang hindi nangangailangan ng tulong ng makina.

Anu-ano ang mga kadahilanan na magtutukoy ng pagpili ng pamamaraan o uri ng dialysis para sa pasyente?

Ang hemodialysis at peritoneal dialysis ay parehong mabisang pamamaraan para sa mga pasyenteng nangangailangan ng pamalagiang dialysis. Walang iisang pamamaraan ng dialysis ang pinakamahusay para sa lahat ng pasyente. Matapos timbangin ang lahat ng aspeto ng bawat pamamaraan ng dialysis, ang pagpili kung hemodialysis o peritoneal dialysis ay magkatuwang na pinagpapasyahan ng pasyente, pamilya at manggagamot (nephrologist). Ang pinakamahalagang aspeto sa naturang pagpili ay ang mga sumusunod: gastusing sa gamutan, edad, ibang mga sakit ng pasyente, lokasyon ng mga dialysis centers, pinag-aralan, pagkiling ng manggagamot at kagustuhan ng pasyente at pamamaraan ng pamumuhay. Halimbawa, dahil sa mababang halaga at dahil mas madali itong marating, mas tinatangkilik ang hemodialysis ng mas nakararaming pasyente sa Pilipinas/

Para sa mga pasyenteng sumasailalim ng dialysis, kailangan bang baguhin ang kanilang pagkain?

Oo. Para sa mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis, nililimitahan ang sodium, postassium, phosphorus at tubig sa kanilang pagkain. Bagaman,binabawasan ang mga pagkaing mayaman sa mga nabanggit na sangkap para sa mga pasyenteng may pamatagalang sakit sa kidney, nagiging mas maluwag ang mga rekomendasyong ito para sa mga nagda-dialysis. Karamihan sa mga pasyenteng nasa dialysis ay mas binibigyang-laya sa pagkaing mataas sa protina kaysa mga pasyenteng hindi pa nagda-dialysis. Kaakibat nito ang sapat na kalories, bitamina at mineral. Mas makakbuting sumangguni ang mga pasyente sa isang pagpaplano ng pagkain kasama ang isang ‘dietitian. ‘

Ano ang “dry weight”?

Ang dry weight ay ang timabang na naaabot ng pasyente mtapos tanggalin ng dialysis ang lahat ng labis na tubig . Ito ay marapat na isa-ayos ng regular akma sa pagbabago ng aktwal na timbang ng pasyente. Ito ay tinatawag ding “edema-free weight” o ang timbang ng pasyente matapos matanggal ang manas o sobrang tubig. Sa timbang na ito, ang pasyente ay walang sintomas ng labis na tubig sa baga, samantalang ang balanse ng katawan ay hindi naisasaalang-alang (ang presyon ng dugo ay hindi mababa at walang anumang komplikasyon).

HEMODIALYSIS

Sa prosesong ito, ang dugo ay nililinis sa tulong ng makinang pang dialysis at ng dialyzer.

Paano isinasagawa ang hemodialysis?

Ang hemodialysis ay isinasagawa kadalasan sa isang ospital or mga free-standing na mga dialysis unit. Ito ay pinangangasiwaan ng mga manggagamot, nars at teknikal na suporta.

  • Ang dugo mula sa katawan ng pasyente ay binobomba patungo sa ‘dialyzer. ‘ Dumadaan ang dugo sa mga malalambot ng tubo na nakalaan para sa layuning ito. Nagbibigay ng gamot tulad ng heparin o dili kaya nagbibigay ng tubig-asin upang maiwasan ang pamumuo ng dugo habang dumadaan sa mga tubo at ‘dialyzer.’
  • Ang ‘dialyzer’ (artipisyal na kidney) ay isang espesyal na salaan kung saan dumadaan ang dugo upang tanggalin ang sobrang tubig at lason mula sa katawan. Ang ‘dialysate’ ay isang solusyon na maglinis sa dugo habang dumadaan ito sa dialyzer.
  • Matapos ang proseso ng paglilinis, ang dugo ay ibinabalik sa katawan ng pasyente.
  • Ang hemodialysis ay karaniwang ginagawa nang tatlong ulit sa isang linggo. Ang bawat sesyon ay tumatagal ng apat na oras.
  • Ang mga catheter ay mga maninipis na tubo na may dalawang lagusan. Ang dugo ay dumadaan palabas at pabalik ng katawan sa magkahiwalay na lagusan ng mga catheter.
Paano dumadaan ang dugo upang linisin at paano ito naibabalik sa katawan habang sumasailalim ang pasyente ng dialalysis?

Ang karaniwang mga uri ng ‘access’ para sa dialysis ay ang mga sumusunod: central venous catheter, native arteriovenous (AV) fistula; at mga sintetic na graft.

  • Ang venous catheters ay panandalian at madaling ikabit na access para sa hemodialysis; ito ay mas nagagamit para sa mga kasong matiuturing na “emergency”.
  • AV Fistula

Mga lagusan ng dugo para sa dialysis

 1. Central Venous Catheter

Dalawang uri ng venous catheters and maaring gamitin. Ang mga “tunneled” ay magagamit nang ilang buwan samantalang ang mga “tunneled” ay nagagamit sa loob ng ilang linggo lamang.

Dumadaloy ang dugo mula mula sa artery patungo sa veins dahil sa pagkakaiba ng pressure sa dalawang ugat.

Sa sandaling mangailangan ng agarang hemodialysis ang isang pasyente, kinaikailangan mag lagay ng isang central venous catheter or vascular access. Dito dadaan ang dugo mula sa katawan ng pasyente patungo sa dialysis machine upang linisin sa pamamagitan ng artipsiyal na kidney (dialyzer).

Ang mga fistula ay nangangailiangang mag-mature sa loob ng ilang linggo. Sa dahilang ito, hindi ito agad magagamit matapos itong gawin.

2. AV Fistula

Ang AV fistula ang pinaka karaniwang ginagamit na access para sa mga nag he-hemodialysis. Ito ay nagagamit sa mas mahabang panahon.

Ang AV fistula ay ginagawa sa pamamagitan ng isang operasyon kung saan pinag durugtong o pinagkakabit ang radial artery at cephalic vein.

Gumagamit ng malalaking karayom upang dumaan ang dugo sa fistula – isa palabas mula sa katawan ng pasyente at patungo sa dialyzer; at ang isa naman ay upang ibalik ang dugo na sumailalim na sa pag lilinis.

Bakit kailangang pangalagaan ang AV fistula ng mabuti?

Ang AV fistula ay maaring magamit sa loob ng ilang taon kung ito ay maayos na nagagamit at naaalagaan. Lahat ng karaniwang gawain ay maaaring gawin gamit ang kamay kung nasaan ang fistula.

Ang fistula ay dapat gamitin lamang para sa hemodialysis. Hindi ito maaaring gamitin upang magbigay ng gamot,o kumuha ng dugo. Hindi rin maaaring gamitin ang braso upang sukatin ang blood pressure.

Iwasan na magkaroon ng anumang injury ang lugar ng AV fistula. Iwasan din magsuot ng alahas, masisikip na damit at relo sa lugar ng fistula. Anumang di inaasahang pinsala sa AV fistula ay maaaring magdulot ng pagdurugo at magdulot ng panganib sa buhay.

  • Ang buhay ng pasyenteng nangangalilangan ng dialysis ay nakasalalay sa permanenteng vascular access nito.
  • Upang mag ampat ang pagdurugo sa fistula, lapatan ng sapat and kontroladong pressure sa lokasyon ng pagdurugo. Maari din gumamit ng bandage para dito. Matapos ma-kontrol ang pagdurugo, makipagugnayan sa iyong manggagamot. Kung patuloy ang pagdurugo sa kabila ng paunang lunas, makakainam na dalhin kaagad ang pasyente sa malapit na ospital.
  • Madami at mataas ang pressure ng dugo na dumadaan sa mga ugat na may fistula. Dahil dito, anumang trauma sa mga ugat na ito ay maaring magdulot ng malubhang pagdurugo. Ang pagkawala ng dugo mula sa fistula ay maaring magdulot ng panganib sa buhay. Nararapat lamang na pagtuunan ng pansin at sapat na pag aalaga ang fistula.
  • Iwasang magbuhat ng mabibigat na bagay gamit ang braso kung nasaan ang fistula. Iwasan din makatulog at madaganan ang brasong ito.
Pag-aalalga sa Fistula

Ang maayos na daloy ng dugo sa fistula ay maaring masuri sa pamamagitan ng pag-kapa dito. May mararamdamang vibration o banayad na panginginig sa ibabaw nito. Ugaliing suriin ito tatlong beses sa maghapon (bago mag agahan, pananghalian at hapunan). Kung mapansin na walang pag daloy ng dugo sa fistula, agad na makipag-ugnayan sa iyong manggagamot or dialysis center. Maaaring nagkaroon ng pagbabara dulot nang namuong dugo sa fistula. Ang maagap at mabilis na pag lusaw or pag-tanggal sa namuong dugo ay makakapag dulot ng lunas sa problema.

Ang wastong pagaalalaga sa fistula ay nangangahulugan ng maayos na pagdaloy ng dugo dito. May mga mahahalagang hakbang upang mapanatiling malusog at mapapakinabangan ang fistula sa loob ng mahabang panahon.

1. Iwasang magkaroon ng impeksyon

Panatilihing malinis ang lugar ng fistula. Makakamit ito sa regular na pag hugas ng braso kung nasaan ang fistula. Mahalaga din na sundin ang tinatawag na “aseptic technique” habang tinutusok ang vascular access at sa kabuuan ng proseso ng dialysis.

Ang AV Fistula ay “lifeline” ng mga pasyenteng may CKD. Kung wala ito, hindi maisasagawa ang dialysis.
2. Ang pagbaba ng blood pressure (hypotension) ay dapat iwasan sapagkat ito ay isang panganib na maaaring maghantong sa pagkasira ng fistula.

Sa kadahilanang ito, dapat iwasan na bumaba ang blood pressure ng pasuenteng sumasailalim sa proseso ng dialysis.

3. Tiyaking maayos ang pag daloy ng dugo sa fistula
4. Regular na pag eehersisyo.

Ang regular na pag ehersisyo sa braso kung nasaan ang fistula ay nakakatulong sa pag “hinog” nito. Ang patuloy na pag exercise nito ay nagpapatibay din sa fistula.

Upang matiyak ang sapat na pag daloy ng dugo at masiguro ang maayos na pamatagalang dialysis, mahalagang alagaan ang kundisyon ng fistula sa lahat ng oras.

3. Graft
  • Ang arterio-venous (AV) graft ay isang uri ng pamatagalang access para sa hemodialysis. Ito ay isang option para sa mga taong hindi angkop ang ugat para sa fistula.
  • Sa pag gamit ng graft, ang artery ay ikinakabit sa vein sa pamamagitan ng isang malabot na sintetikong tubo. Ito ay inilalagay sa ilalim ng balat sa pamamagitan ng isang minor na operasyon.
  • Kung ihahalintulad sa AV fistula, ang AV graft ay may mas taas na panganib na magkaroon ng pamumuo ng dugo, at impeksyon. Ang graft ay hindi rin tumatagal tulad ng AV fistula.
Ano-ano ang ginagawa ng dialysis machine?
  • Ang makinang pang-dialysis ay naghahanda ng espesyal na solution (dialysate) na inihahatid sa dialyzer upang tumulong sa paglinis ng dugo.
  • Ang makinang ito din ay nag-aangkop at nagsisilbing monitor ng lebel ng mga asin, temperature and pressure ng dialysate. Ang mga sukatang ito ay maaring isa-ayos ayon sa pangangailangan ng pasyente. Ang dialysis solution din ang nagtatanggal ng lason at sobrang tubig sa katawan sa pamamagitan ng dialyzer.
  • Upang matiyak ang kaligtasan ng pasyente, mayroong mga safety devices at alarm ang mga dialysis machine. Ito ay upang ma-alerto ang mga nurse sa posibilidad ng pag tagas ng dugo o pagkakaroon ng hangin sa mga tubo na ginagamit sa dialysis.
  • May mga dialysis machine na nagpapakita ng mga parameter (sukatan) sa pamamagitan ng isang monitor or screen.
Ang hemodialysis machine, sa tulong ng dialyzer, ay nagsasala ng dugo at nag papanatili ng balanse ng tubig, asin at acid-base sa dugo.
Ano ang istraktura ng dialyzer at paano nito nililinis ang dugo?
Istraktura ng Dialyzer
Structure of Dialyzer

Sa proseso ng hemodialysis, ang dialyzer ang gumaganap sa mga tungkulin ng kidney (artificial kidney); Dito nagaganap ang paglilinis sa dugo.

Ang dialyzer ay may sukat na humigit kumulang 20 cm ang haba at 5cm ang lapad. Ito ay gawa sa malinaw na plastic. Sa loob nito ay may libu-libong fibers na gawa sa sintetikong lamad (membrane).

Ang mga lamad na ito ay pinagdurugtong sa magkabilang dulo ng dialyzer. Ang dugo ay dumadaloy sa isang bahagi ng mga lamad ng dialyzer sa pamamagitan ng blood port; at lumalabas sa kabilang dulo ng dialyzer matapos itong linisin.

Ang dialysis solution naman ay dumadaloy palibot ng mga fiber ng dialyzer at lumalabas sa kabilang dulo rin ng dialyzer.



Paglilinis ng dugo sa dialyzer
Process of Hemodialysis

Sa hemodialysis, ang dugo ay dumadaloy mula sa pasyente sa pamamagitan ng vascular access. Dumadaloy ito sa mga blood tubings patungo sa isang dulo ng dialyzer. Mula dito, ikinakalat ang dugo sa libu-libong fiber na maihahalintulad sa maliliit na ugat ng katawan. Ang dialysis solution naman ay dumadaloy mula sa ibang lagusan at pumapaikot sa mga fiber na ito sa “dialysate compartment” ng dialyzer. Hindi naghahalo ang dugo at dialysate solution sa loob ng dialyzer.

Tatlo hanggang anim na daang millilitro ng dialysate solution ang dumadaloy kada minute sa kataliwas na direksyon sa daloy ng dugo sa loob ng dialyzer. Ang mga lamad na ito ay naghihiwalay ng mga lason at sobrang tubig mula sa dugo patungo sa dialysate compartment.

Lumalabas ang dugo at ang dialysate fluid (kasama ng mga toxin, lason at sobrang tubig) sa magkahiwalay na lagusan.

  • Sa proseso ng dialysis, ang kabuuang dami ng dugo ay dumadaan sa dialyzer ng labindalawang (12) ulit. Matapos ang apat na oras ng dialysis, ang antas ng Blood Urea Nitrogen (BUN) at creatinine sa dugo ay napapababa, at ang labis na tubig ay natatanggal, samantalang ang mga asin sa katawan ay naiwa-wasto.
Ano ang‘dialysate’ at ano ang ginagawa nito sa dialysis?
  • Ang dialysate (dialysis solution) as espesyal na fluid na ginagamit sa hemodialysis upang tanggalin ang mga toxin at labis na tubig mula sa dugo.
  • Ang komposisyon ng standard na dialysate ay maihahalintulad sa normal na komposisyon ng tubig sa labas ng mga selula ng katawan. Ngutin, naka depende sa pangangailangan ng pasyente, maaaring baguhin ang komposisyon ng dialysate.
  • Ang dialysate ay tinitimpla gamit ang 30 bahagi ng malinis na tubig at isang bahagi ng concentrate ng dialysate.
  • Ang dialysate concentrate ay espesyal na fluid na naglalaman ng mga asin, mineral at bicarbonate.
  • Ang tubig na ginagamit upang gawin ang dialysate ay sumasailalim ng purification gamit ang sand filter, charcoal filter, water softener, reverse osmosis, UV filtration at pagtanggal sa ibang ions. Ang resulta ng pag purify ng tubig ay ganap na walang buhangin, at walang bahid ng anumang dumi at kemikal, mineral, mikrobyo at toxin.
  • Ang proseso ng pag linis ng tubig at ang pag titiyak nito ay mahalagang bahagi ng proseso upang bigyang kasiguraduhan na ang dialysis ay ligtas para sa mga pasyente. Ang bawat isang pasyente ay gumagamit ng humigit kumulang 150 litro ng tubig sa bawat isang sesyon ng dialysis.
Saan isinasagawa ang hemodialysis?

Ang hemodialysis ay karaniwang ginagawa sa ospital o dialysis center. Ito ay isinasagawa ng mga kawani na sumailalim ng pagsasanay para dito, at pinangangasiwaan ito ng manggagamot. Sa iilang pasyente, maari din itong gawin sa kanilang bahay. Ang ganitong uri ng dialysis ay nangangailangan ng pag sasanay ng pasyente, at pamilya nito; nangangailangan din ito ng sapat na lugar and pinansyal na suporta.

Masakit ba ang proseso ng hemodialysis? Ano ang ginagawa ng pasyente habang sumasailalim dito?

Ang hemodialysis ay hindi nagdudulot ng sakit. Maaring makaranas ng bahagyang sakit sa pag tusok ng karayum upang ikabit ang cannula sa mga tubings. Ang prosesong ito ay ginagawa bilang outpatient. Nangangailangang pumunta ang pasyente sa ospital o dialysis unit ng tatlong beses sa loob ng isang linggo. Habang sumasailalim sa hemodialysis, maaring magpahinga, matulog, magbasa, makinig ng musika o manood ng TV ang mga pasyente. Maaari din silang kumain ng kaunti at uminom.

Ano ang mga pangkaraniwang mga problema na maaring mangyari habang naghe-hemodialysis?

Ilan sa mga karaniwang problemang maaring mapuna habang sumasailalim sa dialysis ay ang pagbaba ng blood pressure (hypotension), pagkahilo, pagsusuka, pamumulikat, panghihina at pag sakit ng ulo. Ang mga kaganapang ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng maayos na pag evaluate ng kondisyon ng pasyente bago pa man umpisahan ang sesyon ng dialysis. Ang pagbababago ng timbang sa pagitan ng mga dialysis ay dapat bantayan; gayun din ang mga asin at hemoglobin level

Anu-ano ang mga kalamangan (advantages) at kawalan(disadvantages) ng hemodialysis?
Mga kalamangan ng hemodialysis:
  • Mas maliit ang tungkulin ng pasyente sa pagsasagawa ng hemodialysis. Ito ay dahil mga nurse at technician ang nagsasagawa ng treatment nito. Para sa ilang pasyente, ang hemodialysis ay mas maginhawa kung ihahalintulad sa peritoneal dialysis.
  • Ang hemodialysis ay mas mabilis at mas mahusay sa bawat yunit ng panahon kung ihahambing sa peritoneal dialysis.
  • Ang mga hemodialysis unit ay nagbibigay pagkakataon sa mga pasyente upang makisalamuha sa ibang pasyente na may katulad na sakit o suliranin. Ang ganitong pagtatagpo ay maaring magbawas ng pagkabahala sa mga pasyente.
  • Dahil sa ang hemodialysis ay karaniwang tumatagal ng 4 na oras, tatlong beses sa bawat linggo, may panahon ang mga pasyete para sa sarili o “free time”.
  • Mas mababa ang panganib ng ‘peritonitis’ at ‘exit-site infection.’
  • Sa ibang mga bansa, mas mura ang hemodialysis kaysa peritoneal dialysis.
Ang pangunahing kalamangan ng hemodialysis ay ang pagiging ligtas at mabisa at nito para sa mga pasyente.
Mga kawalan ng hemodialysis
  • Karaniwang nakakaabala sa oras ang pag biyahe patungo sa dialysis center, lalo na kung ito ay malayo sa tahanan ng pasyente.
  • Kailangang isa-alangalag ang panahon at oras ng dialysis sa mga pang-araw araw na gawain ng pasyente.
  • Madalas na pag tusok sa vascual access. Maaring mabawasan ang sakit na dulot ng tusok sa papamagitan ng ilang topical anesthetics.
  • Limitado ang pag-kain at pag inom ng mga pasyente.
  • Mas tumataas ang panganib na magkaroon ng mga sakit na nadadala ng dugo tulad ng Hepatitis B at C.
Mga dapat at hindi dapat gawin ng mga pasyenteng sumasailalim ng hemodialysis
  • Ang mga pasyenteng may end-stage na sakit sa kidney ay nangangailangan ng regular na gamutan at sesyon ng dialysis; kadalasan ay tatlong beses sa isang linggo. Ang pagliban ng sesyong ng hemodialysis ay maaring maging mapanganib sa kalusugan.
  • Kailangang bantayan ng pasyente ang kanyang diet. Limitado ang tubig, asin, potassium at phosphorus sa kanilang pagkain. Ang protina ay dapat din nasusukat ayon sa payo ng manggagamot at dietician. Ang pagbigat ng timbang sa pagitan ng mga sesyon ng dialysis ay dapat nasa 2 hanggang 3 kilo lamang (4.4-6.6 lbs)
  • Ang malnutrition ay karaniwan sa mga pasyente. Kailangan siguraduhing nakakatanggap ng sapat na calories at protina ang mga pasyente upang mapanatili ang sapat na nutrisyon.
Ang pangunahing kawalan ng hemodialysis ay ang pag punta ng pasyente sa dialysis center tatlong beses sa isang linggo.
  • Kailangan bigyan ng supplement ang mga pasyente para sa ilang bitamina tulad ng Vitamin B at C. Dapat nilang iwasan ang mga over the counter na mga suplement. Ang ilan sa mga ito ay maaring kulang o labis sa pangangailangan ng mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis.
  • Ang calcium at Vitamin D ay maaring kailangan isuplement – ayon sa antas ng calcium, phosphorus at PTH.
  • Ang pagbabago ng paraan ng pamumuhay ay kailangan (lifestyle changes) Kabilang dito ang pagtigil sa paninigarilyo, pag papanatili ng timbang, regular na ehersisyo and pag bawas sa mga inuming may alcohol.
Kailan dapat sumangguni ang mga hemodialysis patient sa dialysis nurse o manggagamot?
  • Kung mayroong pagdurugo sa access para sa hemodialysis (fistula o catheter)
  • Pagkawala ng panginginig (vibration) sa fistula
  • Hindi inaasahang pagbabago sa timbang, pag mamanas or hirap pag hinga.
  • Pananakit ng dibdib, mabilis or mabagal na pagtibok ng puso o pagkabog ng dibdib
  • Biglaang pagtaas o pagbaba ng blood pressure.
  • Pagka-hilo, kalituhan (confusion), pagkawala ng malay o kombulsyon.
  • Lagnat, panginginig, pagsususka, pagsuka ng dugo, lubhang panghihina.
Kailangang limitahan ang tubig at asin upang maging sapat ang pag control ng timabang sa pagitan ng dalawang sesyon ng hemodialaysis.
PERITONEAL DIALYSIS

Ang peritoneal dialysis ay isang uri ng dialysis para sa mga pasyenteng palyado ang kidneys. Ito ay laganap na katanggap tanggap at mabisa. Ito ay karaninwang ginagawa sa bahay.

Ano ang Peritoneal Dialysis (PD)?
  • Ang peritoneum ay manipis na lamad sa loob ng tiyan.
  • Ang lamad na ito ay natural na maaring pansala ng mga toxin at lason sa dugo.
  • Ang Peritoneal dialysis (PD) ay ang proseso ng paglinins ng dugo sa pamamagitan ng manipis na lamad na ito ng tiyan.
Ang iba’t ibang uri ng Peritoneal Dialysis (PD)?

1. Intermittent peritoneal dialsysis (IPD) o paulit-ulit na peritoneal dialsysis
2. Continuous ambulatory peritoneal dialysis (CAPD) o tuloy-tuloy na peritoneal dialysis
3. Contiuous Cycling peritoneal dialysis (CCPD) o tuloy-tuloy at paulit-ulit na peritoneal dialysis

1. Intermittent peritoneal dialsysis (IPD) o paulit-ulit na peritoneal dialsysis

Ang intermittent peritoneal dialsysis (IPD) o paulit-ulit na peritoneal dialsysis ay mahalaga at mabisang dialysis na ginagamit na panandalian lamang. Karaniwan itong ginagamit sa mga pasyenteng nasa ospital na may biglaan pagpalya ng kidney, sa mga bata at mga emergency o paunang gamutan ng mga pasyenteng palyado ang kidneys. Sa IPD, may espesyal na catheter na may maraming butas ang ipinapasok sa tiyan ng pasyente patungo sa puwang sa pagitan ng tiyan at mga internal organ (peritoneal space). Sa pamamagitan ng catheter na ito, makakapaglagay ng dialysate fluid patungo sa peritoneal space. Hihigupin ng dialysate fluid ang mga lason at toxin mula sa dugo sa pamamagitan ng lumad ng peritoneum. Matapos ang ilang minuto, hahayaang dumaloy palabas ng tiyan ang dialysate fluid. Ang prosesong ito ay ginagawa ng ilang ulit sa maghapon.

  • Tumatagal ang IPD ng 24-36 oras, at humigit kumulang 30-40 litro ng dialysate solution ang nagagamit para dito.
  • Ang IPD ay inuulit sa pagitan ng 1-3 araw o kung kinakailangan ng pasyente.
Ang CAPD ay uri ng dialysis na isinasagawa ng mga pasyente sa kanilang tahanan, gumagamit ito ng espesyal ng solusyon.
2. Continuous Ambulatory Peritoneal Dialysis (CAPD) o tuloy-tuloy na peritoneal dialysis
Ano ang CAPD?

C- Continiuous: Ang prosesong ito ay tuloy-tuloy o hindi napapatlangan sa loob ng 24 na oras sa isang araw , 7 araw sa loob ng isang linggo.

A- Ambulatory: Maaring gumalaw at lumakad ang pasyete habang nag ginagawa ang procedure. Maaarin din nya gawin ang mga regular na ginagawa niya pang araw-araw

P- Peritoneal: Ang lamad ng tiyan (peritoneum) ang ginagamit na pansala ng mga lason, toxin at sobrang tubig mula sa dugo.

D-Dialysis: Ito ang paraan ng paglinis ng dugo.

Ang CAPD ay isang anyo ng dialysis na isinasagawa ng isang tao sa bahay na walang ginagamit na makina. Ito ay madali at malayang magagawa ng pasyente, kaya ang pamamaraang ito ng dialysis ay laganap sa ibang bansa.

Proseso ng CAPD:

CAPD Catheter: Ang permanenteng access para sa CAPD ay isang malambot at nababaluktot na goma. Mayroon itong maraming butas sa paligid. Ito ay inilalagay sa loob ng tiyan, ilang pulgada mula sa pusod. Ang CAPD catheter ay inilalagay 10-14 na araw bago magsimula ang CAPD. Ang PD catheter ay nagiging “lifeline” para sa mga pasyente ng CAPD, gaya na ang fistula ay “lifeline” para sa mga pasyenteng nangangailangan ng hemodialysis.

Teknik para sa Continuous Ambulatory Peritoneal Dialysis (CAPD):

Sa CAPD, ang espesyal na fluid o dialysate ay ipinapasok sa loob ng tiyan. Hinahayaan itong nakababad sa loob at inaalis matapos ang ilang sandali. Ang prosesong ito nang pag lalagay (fill), pag babad (dwell) at pag alis (drain) ng dialysate ay tinatawag na “exchange”.

Ang CAPD ay isinasagawa sa nakatakdang oras araw-araw.

Fill : Ang solution para sa dialysis mula sa sterile na PD bags ay isinasalin patungo sa tiyan sa pamamagitan ng gravity. Gumagamit din ng mga sterile na tubing para ditto. Karaniwang 2 litro ng solution ang ipinapasok. Inuubos ang laman ng isang bag ng solution, at masinop na isinisilid ang bag sa ilalim ng damit ng pasyente hanggang sa susunod na exchange.

Dwel l: Ang panahon na nasa loob ng tiyan ng pasyente ang fluid ay tinatawag na dwell time. Ito ay maaring tumagal ng 4-6 na oras bawax exchange sa araw; o 6-8 oras sa gabi. Ang paglilinis ng dugo ay nangyayari sa panahon ng dwell time. Ang peritoneum ay nagsisilbing taga-sala ng mga lason, toxin at sobrang tubig na dumadaan mula sa dugo at sasama sa PD fluid. Sa panahon ng dwell time, maaring mag lakad o gumalaw ang pasyente, kaya binabansagan ang prosesong ito na ambulatory.

Drain: Matapos ang dwell time, ang PD fluid ay hinahayaang dumaloy mula sa tiyan patungo sa collection bag. Tinitimbang ang bag matapos ma drain lahat ng PD fluid, bago ito itapon. Itinatala ang timbang at katangian ng solusyon sa bag. Dapat ito ay malinaw. Ang proseso nang pagpapalit ng bagong solusyon ay tumatagal ng 30 - 40 minuto. Maaaring magsagawa ng 4-5 exchange sa araw at isang exchange sa gabi. Isinasagawa ang bawat exchange na tumatalima sa malinis na kapaligiran at aseptic technique.

3. APD o Contiuous Cycling peritoneal dialysis (CCPD) o tuloy-tuloy at paulit-ulit na peritoneal dialysis

Automated Peritoneal Dialysis (APD) o continuous cycling peritoneal dialysis (CCPD) ay isang uri ng PD na ginagawa sa bahay gamit ang isang automated cycler machine. Ang makina ang PD ang nagsasagawa ng exchange. Karaniwang tumatagal ng 1-2 oras ang isang cycle; at nagsasagawa ng 4-5 exchange bawat treatment. Tumatagal ito ng 8-10 oras, at kadalasang ginagawa sa gabi, habang natutulog ang pasyente. Sa umaga, inaalis ang koneksyon ng mga tubo papunta sa makina at nag iiwan ng 2-3 litro ng PD fluid sa tiyan ng pasyente.

Dahil karaniwang sa gabi ginagawa ang mga exchange, nagkakaroon ng kalayaan ang pasyente na gampanan ang mga karaniwan niyang mga gawain sa maghapon. Gayun din, ikinakabit ang catheter sa PD bag minsan lamang sa maghapon. Dahil dito, mas nagiging maginhawa ang proseso para sa mga pasyente, at napapababa nito ang panganib na magkaroon ng impeksyon sa loob ng tiyan. Sa kabilang dako, maaring maging mas magastos ang APD sa ibang bansa, at sa ilan ay mas komplikado.

Ano ang PD fluid na gamit sa CAPD?

Ang PD fluid (dialysate) ay malinis (sterile) na solusyon na naglalaman ng mga mineral at glucose (dextrose). Ang glucose sa solusyon ang nagbibigay daan para hatakin ng PD fluid ang sobrang tubig sa katawan. Inaayon ang lebel ng glucose ng PD fluid sa pangangailangan ng mga pasyente. Ang mga makabagong PD fluid ay naglalaman ng icodextrin kapalit ng glucose. Mas magandang gamitin ang mga PD fluid na may icodextrin para sa mga pasyenteng may diabetes at mabigat ang timbang.

Anu-ano ang mga karaniwang problema sa CAPD?

Ang pagkakaroon ng impeksyon sa ‘peritioneum’(peritoinitis) ay nananatiling pangunahing suliranin para sa peritoneal dialysis. Nakakaranas ng pag sakit ng tiyan, lagnat, at panginginig ang pasyenteng may ‘peritonitis.’ Mapapansin din ang kalabuan ng solusyon na nakukuha mula sa drain ng PD (effluent). Upang maiwasan ito, kailangan isagawa ang CAPD sa malinis na setup (aseptic technique).

Bahagi ng paggamot sa peritonitis ang pagbibigay ng mga antibiotic, pag gawa ng culture ng PD effluent; at sa ilang pagkakataon, kinakailanggang tanggalin ang PD catheter. Lubos na pagiingat upang maiwasan ang impeksyon sa mga pasyente ng CAPD.

Ilan sa mga maaring maranasan ng mga pasyente ay ang pag laki ng tiyan, paghina ng mga muscle ng tiyan (hernia), sobrang tubig sa katawan, pamamanas ng bayag, hirap pag dumi, pag sakit ng likod, pag babara ng catheter, pag tagas ng PD solution at pag bigat ng timbang.

Mga kalamangan (advantages) ng CAPD
  • Mas may laya ang mga pasyente sa pag kain at pag inom, di tulad ng mga pasyente sa hemodialysis
  • Mas may laya ang mga pasyente dahil isinasagawa ang CAPD sa bahay, opisina o kahit pa habang naglalakbay. Magagawa ng pasyente ang CAPD magisa na hingi nangangailangan ng makina o tulong mula sa mga nagsanay na nurse, technician or kamag-anak / pamilya. Makakapag trabaho ang pasyente habang nagsasagawa ng dialysis (dwell time).
  • Isinasagawa ang PD sa sariling oras ng pasyente.
  • Mas madali naisasaayos ang blood pressure at naiiwasan ang pagbaba ng pula ng dugo (anemia).
Mga kawalan(disadvantages) ng CAPD
  • Pagkakaroon ng impeksyon sa peritoneum (peritonitis) at lugar kung saan naka kabit ang PD catheter.
  • Kinakailangan gawin ang proseso ng PD ilang ulit sa isang araw, na walang patlang. Kailangan din tiyakin ang kalinisan ng pag gawa at lugar kung saan ito ginagawa.
  • Para sa ibang pasyente, hindi maaliwalas ang pakiramdam ang pagkakaroon ng catheter at ilang litro ng tubig sa loob ng tiyan.
  • Ang ilang pa sa mga posibleng ma-obserbahan ng pasyente ay ang pagbigat ng timbang, pag taas ng blood sugar at triglycerides. Ito ay dahil sa pagabsorb ng katawan sa glucose mula sa PD solution.
  • Isinasa-alangalang din ang bilang at bigat ng PD solutions. Karanaiwang hindi ito ko madali para sa pasyente.
Anu-anong mga pagbabago sa pagkain ang maipapayo sa mga pasyente ng CAPD?
  • Hindi pa din matatawaran ang sapat na nutrisyon. Naiiba ang mga pangangailangan nila sa mga pasyenteng nasa hemodialysis.
  • Dahil sa maaring sumama ang protina sa PD fluid, pinapayuhan ang mga pasyente na dagdagan ang mga pagkaing mataas sa protina. Layon nitong iwasan ang malnutrisyon.
  • Dapat ding tiyakin ang sapat na calories habang iniiwasan na bumigat ang timbang ng mga pasyente. Dahil sa pagkakaroon ng glucose ng mga PD solution, nakadaragdag ito ng carbohydrates sa pasyente.
  • Ang pagbabawal sa tubig at asin ay mas maluwag kumpara sa mga nasa hemodialysis.
  • Ang mga pagkain na mataas sa potassium at phosphate ay limitado
  • Kailangang dagdagan ang pagkain na mayaman sa fiber upang iwasan ang hirap pag dumi (constipation).
Kailag dapat sumangguni ang pasyente ng CAPD sa dialysis nurse o manggagamot?

Kailangang sumangguni kaagad kung:

  • May pag sakit ng tiyan, lagnat o panginginig.
  • May pagbabago sa karakter ng PD fluid (malabo o may bahid ng dugo)
  • May pananakit, nana, pamumula, or pag-init sa paligid ng lugar kung saan nakakabit ang PD catheter.
  • Mahirapan sa pag daloy ng PD solution papasok o palabas ng tiyan
  • Hirap pag dumi
  • Mayroong di inaasahang pagbigat ng timbang, pamamanas , hirap sa pag hinga, at pagtaas ng blood pressure - ang mga ito ay senyales ng pagtaas ng naiiwang tubig sa sistema ng katawan (fluid overload)
  • Mababang blood pressure, labis na pagbagsak ng timbang, pamumulikat, at pagkahil0 - mga senyales ng kakulangan ng tubig or labis na patanggal ng tubig ng PD.
Ang mga pasyente sa CAPD ay nangangailangan ng mas maraming protina sa pagkain upang maiwasan ang malnutrisyon at pagkakaroon ng impeksyon.
Free Download
Read Online
Kidney book in Filipino
Kidney Guide in Filipino Kidney Website Received
43
Million
Hits
wikipedia
Indian Society of Nephrology
nkf
Kidney India
http://nefros.net
magyar nephrological tarsasag