13 Dialysis

Ang dialysis ay isang artipisyal na proseso na tinatanggal sa katawan ang mga produkto ng metabolismo at sobrang tubig. Ito ay panligtas-buhay sa mga taong may permanente o panandaliang paghina ng kidney.

Paano nakatutulong ang Dialysis sa mga taong may malalang sakit sa kidney?

Ang dialysis ay tumutulong sa katawan sa pamamagitan ng paghalili sa mga tungkulin ng mga kidney:

  • Paglinis sa dugo sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga nakapipinsalang mga sangkap nito tulad ng creatinine, urea, at iba pa.
  • Pagtanggal ng sobrang tubig at pagpapanatili ng sapat na dami nito sa katawan.
  • Pagwawasto ng balanse ng mga asin at acid-base sa katawan ng tao

Gayunpaman, hindi magagampanan ng dialysis ang pangkalahatang trabaho ng normal na kidney. Isa rito ay ang paggawa ng ‘erythropoietin’ – isang hormone na kinakailangan upang mapanatili ang katanggap-tanggap na antas ng hemoglobin o pula ng dugo.

Kailan kinakailangan ang dialysis?

Kapag ang pagganap ng kidney sa tungkulin nito ay bumaba na ng 85- 90% sa inaasahan, tinatayang naiipon ang mga lason o toxin at sobrang tubig sa katawan. Ang pag-ipon ng mga ito ay nagdudulot ng mga sintomas tulad ng pagduduwal, pagsusuka, pamamanas, at kakapusan sa paghinga. Ang mga sintomas na ito ay tinatawag na ‘uremia.’ Sa puntong ito, kung saan hindi sasapat ang mga konserbatibong panggagamot at pamamaraan, ang pasyente ay nangangailangan nang magsimula ng dialysis.

Mapapagaling ba ng dialysis ang pangmatagalang sakit sa kidney?

Hindi. Ang pangmatagalang sakit sa kidney ay hindi mapagagaling. Sa sandaling humantong ang sakit sa kidney sa sukdulang yugto nito, nangangailangan ang pasyente ng palagiang dialysis maliban na lamang kung siya ay matagumpay na sumailalim sa isang kidney transplant.

Ano-ano ang mga uri ng dialysis?

Mayroong dalawang uri ng dialysis. Ito ay ang hemodialysis at ang peritoneal dialysis.

Hemodialysis (HD): Sa hemodialysis, ang mga lason sa katawan at sobrang tubig ay tinatanggal sa katawan sa pamamagitan ng pagdaan ng dugo sa espesyal na pansala o artipisyal na kidney (dialyzer) sa tulong ng makinang pang dialysis.

Peritoneal Dialysis (PD): Sa pamamaraang ito, isang malambot na lagusan o catheter ang inilalagay mula sa balat, patungo sa loob ng tiyan. Dito papasok at lalabas ang mga solusyon kung saan sasama ang mga toxin at sobrang tubig mula sa katawan. Ito ay maaaring gawin sa bahay, at karaniwang hindi nangangailangan ng tulong ng makina.

Ano-ano ang mga sanhi na magtutukoy ng pagpili ng pamamaraan o uri ng dialysis para sa pasyente?

Ang hemodialysis at peritoneal dialysis ay parehong mabisang pamamaraan para sa mga pasyenteng nangangailangan ng palagiang dialysis. Walang iisang pamamaraan ng dialysis ang pinakamahusay para sa lahat ng pasyente. Matapos timbangin ang lahat ng aspekto ng bawat pamamaraan ng dialysis, ang pagpili kung hemodialysis o peritoneal dialysis ay magkatuwang na pinagpapasyahan ng pasyente, pamilya at manggagamot (nephrologist). Ang pinakamahalagang aspekto sa naturang pagpili ay ang sumusunod: gastusin sa gamutan, edad, ibang mga sakit ng pasyente, lokasyon ng dialysis centers, pinagaralan, pagkiling ng manggagamot at kagustuhan ng pasyente, at pamamaraan ng pamumuhay. Halimbawa, dahil sa mababang halaga at dahil mas madali itong marating, mas tinatangkilik ang hemodialysis ng mas nakararaming pasyente sa Pilipinas.

Para sa mga pasyenteng sumasailalim ng dialysis, kailangan bang baguhin ang kanilang pagkain?

Oo. Para sa mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis, nililimitahan ang sodium, postassium, phosphorus, at tubig sa kanilang pagkain. Bagaman, binabawasan ang mga pagkaing mayaman sa mga nabanggit na sangkap para sa mga pasyenteng may pangmatagalang sakit sa kidney, nagiging mas maluwag ang mga rekomendasyong ito para sa mga nagdadialysis. Karamihan sa mga pasyenteng nasa dialysis ay mas binibigyang-laya sa pagkaing mataas sa protina kaysa mga pasyenteng hindi pa nagdadialysis. Kaakibat nito ang sapat na calories, bitamina, at mineral. Mas makabubuting sumangguni ang mga pasyente sa pagpaplano ng pagkain kasama ang isang ‘dietitian. ‘

Ano ang “dry weight”?

Ang dry weight ay ang timbang na naaabot ng pasyente matapos tanggalin ng dialysis ang lahat ng sobrang tubig . Ito ay marapat na isaayos nang regular batay sa pagbabago ng aktuwal na timbang ng pasyente. Ito ay tinatawag ding “edema-free weight” o ang timbang ng pasyente matapos matanggal ang manas o sobrang tubig. Sa timbang na ito, ang pasyente ay walang sintomas ng labis na tubig sa baga, samantalang ang balanse ng katawan ay hindi naisasaalang-alang (ang presyon ng dugo ay hindi mababa at walang anumang komplikasyon).

Hemodialysis

Sa prosesong ito, ang dugo ay nililinis sa tulong ng makinang pang-dialysis at dialyzer.

Paano isinasagawa ang hemodialysis?

Ang hemodialysis ay kadalasang isinasagawa sa isang ospital or mga free-standing na dialysis unit. Ito ay pinangangasiwaan ng mga manggagamot, nars, at teknikal na suporta.

  • Ang dugo mula sa katawan ng pasyente ay binobomba patungo sa ‘dialyzer’. Dumaraan ang dugo sa mga malalambot ng tubo na nakalaan sa layuning ito. Nagbibigay ng gamot tulad ng heparin o nagbibigay ng tubig-asin upang maiwasan ang pamumuo ng dugo habang dumaraan sa mga tubo at ‘dialyzer.’
  • Ang ‘dialyzer’ (artipisyal na kidney) ay isang espesyal na salaan kung saan dumaraan ang dugo upang tanggalin ang sobrang tubig at lason sa katawan. Ang ‘dialysate’ay isang solusyon na maglinis sa dugo habang dumaraan ito sa dialyzer.
  • Matapos ang proseso ng paglilinis, ang dugo ay ibinabalik sa katawan ng pasyente.
  • Ang hemodialysis ay karaniwang ginagawa nang tatlong ulit sa isang linggo. Ang bawat sesyon ay tumatagal ng apat na oras.
  • Ang mga catheter ay mga maninipis na tubo na may dalawang lagusan. Ang dugo ay dumadaan palabas at pabalik ng katawan sa magkahiwalay na lagusan ng mga catheter

Paano dumaraan ang dugo upang linisin at paano ito naibabalik sa katawan habang sumasailalim ang pasyente ng dialalysis?

Ang karaniwang mga uri ng ‘access’ para sa dialysis ay ang sumusunod: central venous catheter, native arteriovenous (AV) fstula; at mga sintetik na graft.

  • Ang venous catheters ay panandalian at madaling ikabit na access para sa hemodialysis; ito ay mas nagagamit para sa mga kasong matiuturing na “emergency”.
  • AV Fistula

Mga lagusan ng dugo para sa dialysis

1. Central Venous Catheter

  • Dalawang uri ng venous catheters ang maaring gamitin. Ang mga “tunneled” ay magagamit nang ilang buwan samantalang ang mga “tunneled” ay nagagamit sa loob ng ilang linggo lamang.
  • Dumadaloy ang dugo mula sa artery patungo sa veins dahil sa pagkakaiba ng pressure sa dalawang ugat.
  • Sa sandaling mangailangan ng agarang hemodialysis ang isang pasyente, kinakailangang maglagay ng isang central venous catheter o vascular access. Dito dadaan ang dugo sa katawan ng pasyente patungo sa dialysis machine upang linisin sa pamamagitan ng artipsiyal na kidney (dialyzer)
  • Ang mga fstula ay nangangailangang mag-mature sa loob ng ilang linggo. Sa dahilang ito, hindi ito agad magagamit matapos itong gawin.

AV Fistula

  • Ang AV fstula ang pinaka karaniwang ginagamit na access sa mga naghehemodialysis. Ito ay nagagamit sa mas mahabang panahon.
  • Ang AV fstula ay ginagawa sa pamamagitan ng isang operasyon kung saan pinag durugtong o pinagkakabit ang radial artery at cephalic vein.
  • Gumagamit ng malalaking karayom upang dumaan ang dugo sa fstula – isa palabas mula sa katawan ng pasyente at patungo sa dialyzer; at ang isa naman ay upang ibalik ang dugo na sumailalim na sa paglilinis. Bakit kailangang pangalagaan ang AV fstula nang mabuti?
  • Ang AV fstula ay maaaring magamit sa loob ng ilang taon kung ito ay maayos na nagagamit at naaalagaan. Lahat ng karaniwang gawain ay maaaring gawin gamit ang kamay kung nasaan ang fstula.
  • Ang fstula ay dapat gamitin lamang sa hemodialysis. Hindi ito maaaring gamitin upang magbigay ng gamot, o kumuha ng dugo. Hindi rin maaaring gamitin ang braso upang sukatin ang blood pressure.
  • Iwasan na magkaroon ng anumang injury ang lugar ng AV fstula. Iwasan ding magsuot ng alahas, masisikip na damit, at relo sa lugar ng fstula. Anumang di inaasahang pinsala sa AV fstula ay maaaring magdulot ng pagdurugo at magdulot ng panganib sa buhay.
  • Ang buhay ng pasyenteng nangangalilangan ng dialysis ay nakasalalay sa permanenteng vascular access nito.
  • Upang mag-ampat ang pagdurugo sa fstula, lapatan ng sapat at kontroladong pressure sa bahaging nagdurugo. Maaari ding gumamit ng bandage para dito. Matapos makontrol ang pagdurugo, makipag-ugnayan sa iyong manggagamot. Kung patuloy ang pagdurugo sa kabila ng paunang lunas, mabuting dalhin kaagad ang pasyente sa malapit na ospital.
  • Marami at mataas ang pressure ng dugo na dumaraan sa mga ugat na may fstula. Dahil dito, anumang trauma sa mga ugat na ito ay maaaring magdulot ng malubhang pagdurugo. Ang pagkawala ng dugo mula sa fstula ay maaaring magdulot ng panganib sa buhay. Nararapat lamang na pagtuonan ng pansin at sapat na pag-aalaga ang fstula.
  • Iwasang magbuhat ng mabibigat na bagay gamit ang braso kung nasaan ang fstula. Iwasan din makatulog at madaganan ang brasong ito.

Pag-aalaga sa Fistula

Ang maayos na daloy ng dugo sa fstula ay maaaring masuri sa pamamagitan ng pagkapa rito. May mararamdamang vibration o banayad na panginginig sa ibabaw nito. Ugaliing suriin ito tatlong beses sa maghapon (bago mag agahan, pananghalian at hapunan). Kung mapansin na walang pag daloy ng dugo sa fstula, agad na makipag- ugnayan sa iyong manggagamot o dialysis center. Maaaring nagkaroon ng pagbabara dulot ng namuong dugo sa fstula. Ang maagap at mabilis na paglusaw o pagtanggal sa namuong dugo ay makapagdudulot ng lunas sa problema. Ang wastong pag-aalalaga sa fstula ay nangangahulugan ng maayos na pagdaloy ng dugo rito. May mahahalagang hakbang upang mapanatiling malusog at kapaki-pakinabang ang fstula sa loob ng mahabang panahon.

1. Iwasang magkaroon ng impeksiyon

Panatilihing malinis ang lugar ng fstula. Makakamit ito sa regular na paghugas ng braso kung nasaan ang fstula. Mahalaga ding sundin ang tinatawag na “aseptic technique” habang tinutusok ang vascular access at sa kabuoan ng proseso ng dialysis.

2. Ang pagbaba ng blood pressure (hypotension) ay dapat

iwasan sapagkat ito ay isang panganib na maaaring humantong sa pagkasira ng fstula. Sa kadahilanang ito, dapat iwasang bumaba ang blood pressure ng pasyenteng sumasailalim sa proseso ng dialysis.

3. Tiyaking maayos ang pagdaloy ng dugo sa fstula

4. Regular na pag-eehersisyo

Ang regular na pag-eehersisyo ng braso kung nasaan ang fstula ay nakatutulong sa pag “hinog” nito. Ang patuloy na pag-eehersisyo nito ay nagpapatibay rin sa fstula.

Upang matiyak ang sapat na pagdaloy ng dugo at masiguro ang maayos na pangmatagalang dialysis, mahalagang alagaan ang kondisyon ng fstula sa lahat ng pagkakataon.

3. Graft

  • Ang arterio-venous o AV graft ay isang uri ng pangmatagalang access sa hemodialysis. Ito ay isang pagpipilian ng mga taong hindi angkop ang ugat para sa fstula.
  • Sa paggamit ng graft, ang artery ay ikinakabit sa vein sa pamamagitan ng isang malabot na sintetikong tubo. Ito ay inilalagay sa ilalim ng balat sa pamamagitan ng isang minor na operasyon.
  • Kung ihahalintulad sa AV fstula, ang AV graft ay may mas taas na panganib na magkaroon ng pamumuo ng dugo, at impeksiyon. Ang graft ay hindi rin tumatagal tulad ng AV fstula.

Ano-ano ang ginagawa ng dialysis machine?

  • Ang makinang pang-dialysis ay naghahanda ng espesyal na solution (dialysate) na inihahatid sa dialyzer upang tumulong sa paglinis ng dugo.
  • Ang makinang ito rin ay nag-aangkop at nagsisilbing monitor ng level ng mga asin, temperatura, at pressure ng dialysate. Ang mga sukatang ito ay maaring isaayos ayon sa pangangailangan ng pasyente. Ang dialysis solution din ang nagtatanggal ng lason at sobrang tubig sa katawan sa pamamagitan ng dialyzer.
  • Upang matiyak ang kaligtasan ng pasyente, mayroong mga safety devices at alarm ang mga dialysis machine. Ito ay upang maalerto ang mga nurse sa posibilidad ng pagtagas ng dugo o pagkakaroon ng hangin sa mga tubo na ginagamit sa dialysis.
  • May mga dialysis machine na nagpapakita ng mga parameter (sukatan) sa pamamagitan ng isang monitor or screen.

Ano ang estruktura ng dialyzer at paano nito nililinis ang dugo?  Estruktura ng Dialyzer

  • Sa proseso ng hemodialysis, ang dialyzer ang gumaganap sa mga tungkulin ng kidney (artifcial kidney); Dito nagaganap ang paglilinis sa dugo.
  • Ang dialyzer ay may sukat na humigit kumulang 20 cm ang haba at 5cm ang lapad. Ito ay gawa sa malinaw na plastik. Sa loob nito ay may libo-libong fbers na gawa sa sintetikong lamad (membrane).
  • Ang mga lamad na ito ay pinagdurugtong sa magkabilang dulo ng dialyzer. Ang dugo ay dumadaloy sa isang bahagi ng mga lamad ng dialyzer sa pamamagitan ng blood port; at lumalabas sa kabilang dulo ng dialyzer matapos itong linisin.
  • Ang dialysis solution ay dumadaloy palibot ng mga fber ng dialyzer at lumalabas sa kabilang dulo rin ng dialyzer.

Paglilinis ng dugo sa dialyzer

  • Sa hemodialysis, ang dugo ay dumadaloy mula sa pasyente sa pamamagitan ng vascular access. Dumadaloy ito sa blood tubings patungo sa isang dulo ng dialyzer. Mula rito, ikinakalat ang dugo sa libo-libong fber na maihahalintulad sa maliliit na ugat ng katawan. Ang dialysis solution naman ay dumadaloy mula sa ibang lagusan at pumapaikot sa mga fber na ito sa “dialysate compartment” ng dialyzer. Hindi naghahalo ang dugo at dialysate solution sa loob ng dialyzer.
  • Tatlo hanggang anim na daang millilitro ng dialysate solution ang dumadaloy kada minuto sa taliwas na direksiyon sa daloy ng dugo sa loob ng dialyzer. Ang mga lamad na ito ay naghihiwalay ng mga lason at sobrang tubig mula sa dugo patungo sa dialysate compartment.
  • Lumalabas ang dugo at ang dialysate fluid (kasama ng mga toxin, lason at sobrang tubig) sa magkahiwalay na lagusan.
  • Sa proseso ng dialysis, ang kabuoang dami ng dugo ay dumaraan sa dialyzer ng labindalawang (12) ulit. Matapos ang apat na oras ng dialysis, ang antas ng Blood Urea Nitrogen (BUN) at creatinine sa dugo ay napabababa, at ang sobrang tubig ay natatanggal, samantalang ang mga asin sa katawan ay naitatama.

Ano ang dialysate at ano ang ginagawa nito sa dialysis?

  • Ang dialysate (dialysis solution) as espesyal na fluid na ginagamit sa hemodialysis upang tanggalin ang mga toxin at sobrang tubig sa dugo.
  • Ang komposisyon ng standard na dialysate ay maihahalintulad sa normal na komposisyon ng tubig sa labas ng mga selula ng katawan. Ngutin, nakadepende sa pangangailangan ng pasyente, maaaring baguhin ang komposisyon ng dialysate.
  • Ang dialysate ay tinitimpla gamit ang 30 bahagi ng malinis na tubig at isang bahagi ng concentrate ng dialysate.
  • Ang dialysate concentrate ay espesyal na fluid na naglalaman ng mga asin, mineral, at bicarbonate.
  • Ang tubig na ginagamit upang gawin ang dialysate ay sumasailalim ng purifcation gamit ang sand flter, charcoal flter, water softener, reverse osmosis, UV fltration, at pagtanggal sa ibang ions. Ang resulta ng pag-purify ng tubig ay ganap na walang buhangin, at walang bahid ng anumang dumi at kemikal, mineral, mikrobyo, at toxin.
  • Ang proseso ng paglinis ng tubig at ang pagtiyak nito ay mahalagang bahagi ng proseso upang bigyang kasiguraduhan na ang dialysis ay ligtas sa mga pasyente. Ang bawat isang pasyente ay gumagamit ng humigit kumulang 150 litro ng tubig sa bawat sesyon ng dialysis.

Saan isinasagawa ang hemodialysis?

Ang hemodialysis ay karaniwang ginagawa sa ospital o dialysis center. Ito ay isinasagawa ng mga kawani na sumailalim ng pagsasanay para dito, at pinangangasiwaan ito ng manggagamot. Sa iilang pasyente, maaari din itong gawin sa kanilang bahay. Ang ganitong uri ng dialysis ay nangangailangan ng pagsasanay ng pasyente, at pamilya nito; nangangailangan din ito ng sapat na lugar at pinansiyal na suporta.

Masakit ba ang proseso ng hemodialysis? Ano ang ginagawa ng pasyente habang sumasailalim dito?

Ang hemodialysis ay hindi nagdudulot ngs akit. Maaaring makaranas ng bahagyang sakit sa pagtusok ng karayom upang ikabit ang cannula sa tubings. Ang prosesong ito ay ginagawa bilang outpatient. Nangangailangang pumunta ang pasyente sa ospital o dialysis unit ng tatlong beses sa loob ng isang linggo. Habang sumasailalim sa hemodialysis, maaaring magpahinga, matulog, magbasa, makinig ng musika o manood ng TV ang mga pasyente. Maaari din silang kumain nang kaunti at uminom.

Ano ang mga pangkaraniwang mga problema na maaaring mangyari habang naghehemodialysis?

Ilan sa mga karaniwang problemang maaaring mapuna habang sumasailalim sa dialysis ay ang pagbaba ng blood pressure (hypotension), pagkahilo, pagsusuka, pamumulikat, panghihina, at pagsakit ng ulo. Ang mga kaganapang ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng maayos na pag-evaluate ng kondisyon ng pasyente bago pa man umpisahan ang sesyon ng dialysis. Ang pagbababago ng timbang sa pagitan ng mga dialysis ay dapat bantayan; gayundin ang mga asin at hemoglobin level.

Ano-ano ang mga bentahe (advantages) at disdbantahe (disadvantages) ng hemodialysis?

Mga bentahe ng hemodialysis:

  • Mas maliit ang tungkulin ng pasyente sa pagsasagawa ng hemodialysis. Ito ay dahil mga nurse at technician ang nagsasagawa ng treatment nito. Para sa ilang pasyente, ang hemodialysis ay mas maginhawa kung ihahalintulad sa peritoneal dialysis.
  • Ang hemodialysis ay mas mabilis at mas mahusay sa bawat yunit ng panahon kung ihahambing sa peritoneal dialysis.
  • Ang mga hemodialysis unit ay nagbibigay pagkakataon sa mga pasyente upang makisalamuha sa ibang pasyente na may katulad na sakit o suliranin. Ang ganitong pagtatagpo ay maaaring makabawas ng pagkabahala sa mga pasyente.
  • Dahil ang hemodialysis ay karaniwang tumatagal ng apat na oras, tatlong beses sa bawat linggo, may panahon ang mga pasyente para sa sarili o “free time”.
  • Mas mababa ang panganib ng ‘peritonitis’ at ‘exit-site infection.’
  • Sa ibang mga bansa, mas mura ang hemodialysis kaysa peritoneal dialysis.

Ang pangunahing kalamangan ng hemodialysis ay ang pagiging ligtas at mabisa at nito para sa mga pasyente. Mga disadbantahe ng hemodialysis:

  • Karaniwang nakaaabala sa oras ang pagbiyahe patungo sa dialysis center, lalo na kung ito ay malayo sa tahanan ng pasyente.
  • Kailangang isaalang-alang ang panahon at oras ng dialysis sa mga pang-araw-araw na gawain ng pasyente.
  • Madalas na pagtusok sa vascual access. Maaaring mabawasan ang sakit na dulot ng tusok sa papamagitan ng ilang topical anesthetics.
  • Limitado ang pagkain at pag-inom ng mga pasyente.
  • Mas tumataas ang panganib na magkaroon ng mga sakit na nadadala ng dugo tulad ng Hepatitis B at C.

Mga dapat at hindi dapat gawin ng mga pasyenteng sumasailalim ng hemodialysis

  • Ang mga pasyenteng may end-stage na sakit sa kidney ay nangangailangan ng regular na gamutan at sesyon ng dialysis; kadalasan ay tatlong beses sa isang linggo. Ang pagliban ng sesyong ng hemodialysis ay maaaring maging mapanganib sa kalusugan.
  • Kailangang bantayan ng pasyente ang kanyang diet. Limitado ang tubig, asin, potassium, at phosphorus sa kanilang pagkain. Ang protina ay dapat ding nasusukat ayon sa payo ng manggagamot at dietician. Ang pagbigat ng timbang sa pagitan ng mga sesyon ng dialysis ay dapat nasa 2 hanggang 3 kilo lamang (4.4-6.6 lbs)
  • Ang malnutrition ay karaniwan sa mga pasyente. Kailangan siguraduhing nakatatanggap ng sapat na calories at protina ang mga pasyente upang mapanatili ang sapat na nutrisyon.

Ang pangunahing kawalan ng hemodialysis ay ang pagpunta ng pasyente sa dialysis center tatlong beses sa isang linggo.

  • Kailangan bigyan ng supplement ang mga pasyente sa ilang bitamina tulad ng Vitamin B at C. Dapat nilang iwasan ang mga over the counter na mga supplement. Ang ilan sa mga ito ay maaaring kulang o labis sa pangangailangan ng mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis.
  • Ang calcium at Vitamin D ay maaaring kailangang i-supplement–ayon sa antas ng calcium, phosphorus, at PTH.
  • Ang pagbabago ng paraan ng pamumuhay ay kailangan (lifestyle changes) Kabilang dito ang pagtigil sa paninigarilyo, pag papanatili ng timbang, regular na ehersisyo, at pagbawas sa mga inuming may alcohol. Kailan dapat sumangguni ang mga hemodialysis patient sa dialysis nurse o manggagamot?
  • Kung mayroong pagdurugo sa access para sa hemodialysis (fstula o catheter)
  • Pagkawala ng panginginig (vibration) sa fstula
  • Hindi inaasahang pagbabago sa timbang, pagmamanas o hirap sa paghinga.
  • Pananakit ng dibdib, mabilis o mabagal na pagtibok ng puso o pagkabog ng dibdib.
  • Biglaang pagtaas o pagbaba ng blood pressure.
  • Pagkahilo, kalituhan (confusion), pagkawala ng malay o kombulsiyon.
  • Lagnat, panginginig, pagsususka, pagsuka ng dugo, lubhang panghihina.

Kailangang limitahan ang tubig at asin upang maging sapat ang pagkontrol ng timbang sa pagitan ng dalawang sesyon ng hemodialaysis.

Peritoneal dialysis

Ang peritoneal dialysis ay isang uri ng dialysis sa mga pasyenteng palyado ang kidney. Ito ay laganap na katanggap-tanggap at mabisa. Ito ay karaninwang ginagawa sa bahay. Ano ang Peritoneal Dialysis (PD)?

  • Ang peritoneum ay manipis na lamad sa loob ng tiyan.
  • Ang lamad na ito ay natural na maaaring pansala ng mga toxin at lason sa dugo.
  • Ang Peritoneal dialysis (PD) ay ang proseso ng paglilinis ng dugo sa pamamagitan ng manipis na lamad na ito ng tiyan.

Ang iba’t ibang uri ng Peritoneal Dialysis (PD)?

1. Intermittent peritoneal dialsysis (IPD) o paulit-ulit na peritoneal dialsysis

2. Continuous ambulatory peritoneal dialysis (CAPD) o tuloy-tuloy na peritoneal dialysis

3. Contiuous Cycling peritoneal dialysis (CCPD) o tuloytuloy at paulit-ulit na peritoneal dialysis

1. Intermittent peritoneal dialsysis (IPD) o paulit-ulit na peritoneal dialsysis

Ang intermittent peritoneal dialysis (IPD) o paulit-ulit na peritoneal dialysis ay mahalaga at mabisang dialysis na ginagamit na panandalian lamang. Karaniwan itong ginagamit sa mga pasyenteng nasa ospital na may biglaan pagpalya ng kidney, sa mga bata at mga emergency o paunang gamutan ng mga pasyenteng palyado ang kidney. Sa IPD, may espesyal na catheter na may maraming butas ang ipinapasok sa tiyan ng pasyente patungo sa puwang sa pagitan ng tiyan at mga internal organ (peritoneal space). Sa pamamagitan ng catheter na ito, makapaglalagay ng dialysate fluid patungo sa peritoneal space. Hihigupin ng dialysate fluid ang mga lason at toxin mula sa dugo sa pamamagitan ng lumad ng peritoneum. Matapos ang ilang minuto, hahayaang dumaloy palabas ng tiyan ang dialysate fluid. Ang prosesong ito ay ginagawa ng ilang ulit sa maghapon.

  • Tumatagal ang IPD ng 24-36 oras, at humigit kumulang 30-40 litro ng dialysate solution ang nagagamit para dito.
  • Ang IPD ay inuulit sa pagitan ng 1-3 araw o kung kinakailangan ng pasyente

Ang CAPD ay uri ng dialysis na isinasagawa ng mga pasyente sa kanilang tahanan, gumagamit ito ng espesyal ng solusyon.

2. Continuous Ambulatory Peritoneal Dialysis (CAPD) o tuloy-tuloy na peritoneal dialysis Ano ang CAPD?

C-Continiuous: Ang prosesong ito ay tuloy-tuloy o hindi napapatlangan sa loob ng 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa loob ng isang linggo.

A-Ambulatory: Maaaring gumalaw at lumakad ang pasyente habang ginagawa ang procedure. Maaari din niyang gawin ang mga regular na ginagawa niya pang-araw-araw.

P-Peritoneal: Ang lamad ng tiyan (peritoneum) ang ginagamit na pansala ng mga lason, toxin, at sobrang tubig mula sa dugo. D-Dialysis: Ito ang paraan ng paglinis ng dugo.

Ang CAPD ay isang anyo ng dialysis na isinasagawa ng isang tao sa bahay na walang ginagamit na makina. Ito ay madali at malayang magagawa ng pasyente, kaya ang pamamaraang ito ay laganap sa ibang bansa.

Proseso ng CAPD:

CAPD Catheter: Ang permanenteng access para sa CAPD ay isang malambot at nababaluktot na goma. Mayroon itong maraming butas sa paligid. Ito ay inilalagay sa loob ng tiyan, ilang pulgada mula sa pusod. Ang CAPD catheter ay inilalagay 10-14 na araw bago magsimula ang CAPD. Ang PD catheter ay nagiging “lifeline” para sa mga pasyente ng CAPD, gaya na ang fstula ay “lifeline” para sa mga pasyenteng nangangailangan ng hemodialysis.

Teknik sa Continuous Ambulatory Peritoneal Dialysis o CAPD:

Sa CAPD, ang espesyal na fluid o dialysate ay ipinapasok sa loob ng tiyan. Hinahayaan itong nakababad sa loob at inaalis matapos ang ilang sandali. Ang prosesong ito ng paglalagay (fll), pag babad (dwell) at pag-alis (drain) ng dialysate ay tinatawag na “exchange”.

Fill: Ang solution sa dialysis mula sa sterile na PD bags ay isinasalin patungo sa tiyan sa pamamagitan ng gravity. Gumagamit din ng mga sterile na tubing para dito. Karaniwang 2 litro ng solution ang ipinapasok. Inuubos ang laman ng isang bag ng solution, at masinop na isinisilid ang bag sa ilalim ng damit ng pasyente hanggang sa susunod na exchange.

Dwell: Ang panahon na nasa loob ng tiyan ng pasyente ang fluid ay tinatawag na dwell time. Ito ay maaaring tumagal ng 4-6 na oras bawat exchange sa araw; o 6-8 oras sa gabi. Ang paglilinis ng dugo ay nangyayari dwell time. Ang peritoneum ay nagsisilbing taga-sala ng mga lason, toxin, at sobrang tubig na dumaraan sa dugo at sasama sa PD fluid. Sa dwell time, maaaring maglakad o gumalaw ang pasyente, kaya binabansagan ang prosesong ito na ambulatory.

Drain: Matapos ang dwell time, ang PD fluid ay hinahayaang dumaloy mula sa tiyan patungo sa collection bag. Tinitimbang ang bag matapos ma-drain lahat ng PD fluid, bago ito itapon. Itinatalâ ang timbang at katangian ng solusyon sa bag. Dapat ito ay malinaw. Ang proseso ng pagpapalit ng bagong solusyon ay tumatagal ng 30 – 40 minuto. Maaaring magsagawa ng 4-5 exchange sa araw at isang exchange sa gabi. Isinasagawa ang bawat exchange na tumatalima sa malinis na kapaligiran at aseptic technique.

3. APD o Contiuous Cycling peritoneal dialysis (CCPD) o tuloy- tuloy at paulit-ulit na peritoneal dialysis

Automated Peritoneal Dialysis (APD) o continuous cycling peritoneal dialysis (CCPD) ay isang uri ng PD na ginagawa sa bahay gamit ang isang automated cycler machine. Ang makina ng PD ang nagsasagawa ng exchange. Karaniwang tumatagal ng 1-2 oras ang isang cycle; at nagsasagawa ng 4-5 exchange bawat treatment. Tumatagal ito ng 8-10 oras, at kadalasang ginagawa sa gabi, habang natutulog ang pasyente. Sa umaga, inaalis ang koneksiyon ng mga tubo papunta sa makina at nag-iiwan ng 2-3 litro ng PD fluid sa tiyan ng pasyente.

Dahil karaniwang sa gabi ginagawa ang mga exchange, nagkakaroon ng kalayaan ang pasyente na gampanan ang mga karaniwan niyang mga gawain sa maghapon. Gayun din, ikinakabit ang catheter sa PD bag minsan lamang sa maghapon. Dahil dito, mas nagiging maginhawa ang proseso sa mga pasyente, at napapababa nito ang panganib na magkaroon ng impeksiyon sa loob ng tiyan. Sa kabilang dako, maaaring maging mas magastos ang APD sa ibang bansa, at sa ilan ay mas komplikado.

Ano ang PD fluid na gamit sa CAPD?

Ang PD fluid (dialysate) ay malinis (sterile) na solusyon na naglalaman ng mga mineral at glucose (dextrose). Ang glucose sa solusyon ang nagbibigay-daan para hatakin ng PD fluid ang sobrang tubig sa katawan. Inaayon ang level ng glucose ng PD fluid sa pangangailangan ng mga pasyente. Ang mga makabagong PD fluid ay naglalaman ng icodextrin kapalit ng glucose. Mas magandang gamitin ang mga PD fluid na may icodextrin sa mga pasyenteng may diabetes at mabigat ang timbang.

Ano-ano ang mga karaniwang problema sa CAPD?

Ang pagkakaroon ng impeksiyon sa ‘peritioneum’(peritoinitis) ay nananatiling pangunahing suliranin para sa peritoneal dialysis. Nakararanas ng pagsakit ng tiyan, lagnat, at panginginig ang pasyenteng may ‘peritonitis.’ Mapapansin din ang kalabuan ng solusyon na nakukuha mula sa draining PD (efuent). Upang maiwasan ito, kailangang isagawa ang CAPD sa malinis na setup (aseptic technique).

Bahagi ng paggamot sa peritonitis ang pagbibigay ng mga antibiotic, paggawa ng culture ng PD efuent; at sa ilang pagkakataon, kinakailangang tanggalin ang PD catheter. Lubos na pag-iingat upang maiwasan ang impeksiyon sa mga pasyente ng CAPD.

Ilan sa mga maaaring maranasan ng mga pasyente ay ang paglaki ng tiyan, paghina ng mga muscle ng tiyan (hernia), sobrang tubig sa katawan, pamamanas ng bayag, hirap sa pagdumi, pagsakit ng likod, pagbabara ng catheter, pagtagas ng PD solution at pagbigat ng timbang.

Mga bentahe (advantages) ng CAPD

  • Mas may laya ang mga pasyente sa pagkain at pag-inom, di gaya ng mga pasyente sa hemodialysis
  • Mas may laya ang mga pasyente dahil isinasagawa ang CAPD sa bahay, opisina o kahit pa habang naglalakbay. Magagawa ng pasyente ang CAPD mag-isa na hindi nangangailangan ng makina o tulong mula sa mga nagsanay na nurse, technician o kamag-anak / pamilya. Makakapagtrabaho ang pasyente habang nagsasagawa ng dialysis (dwell time).
  • Isinasagawa ang PD sa sariling oras ng pasyente.
  • Mas madaling naisasaayos ang blood pressure at naiiwasan ang pagbaba ng pula ng dugo (anemia).

Mga disbentahe (disadvantages) ng CAPD

  • Pagkakaroon ng impeksiyon sa peritoneum (peritonitis) at lugar kung saan nakakabit ang PD catheter.
  • Kinakailangan gawin ang proseso ng PD ilang ulit sa isang araw, na walang patlang. Kailangan ding tiyakin ang kalinisan ng paggawa at lugar kung saan ito ginagawa.
  • Para sa ibang pasyente, hindi maaliwalas ang pakiramdam ang pagkakaroon ng catheter at ilang litro ng tubig sa loob ng tiyan.
  • Ang ilang pa sa mga posibleng maobserbahan ng pasyente ay ang pagbigat ng timbang, pag taas ng blood sugar at triglycerides. Ito ay dahil sa pagabsorb ng katawan sa glucose mula sa PD solution.
  • Isinasaalang-alang din ang bilang at bigat ng PD solutions. Karaniwang hindi ito madali sa pasyente.

  • Hindi pa rin matatawaran ang sapat na nutrisyon. Naiiba ang mga pangangailangan nila sa mga pasyenteng nasa hemodialysis.
  • Dahil sa maaaring sumama ang protina sa PD fluid, pinapayuhan ang mga pasyente na dagdagan ang mga pagkaing mataas sa protina. Layon nitong iwasan ang malnutrisyon.
  • Dapat ding tiyakin ang sapat na calories habang iniiwasan na bumigat ang timbang ng mga pasyente. Dahil sa pagkakaroon ng glucose ng mga PD solution, nakadaragdag ito ng carbohydrates sa pasyente.
  • Ang pagbabawal sa tubig at asin ay mas maluwag kumpara sa mga nasa hemodialysis.
  • Ang mga pagkain na mataas sa potassium at phosphate ay limitado
  • Kailangang dagdagan ang pagkain na mayaman sa fber upang iwasan ang hirap sa pagdumi (constipation).

Kailan dapat sumangguni ang pasyente ng CAPD sa dialysis nurse o manggagamot?

  • Kailangang sumangguni kaagad kung:
  • May pagsakit ng tiyan, lagnat o panginginig.
  • May pagbabago sa karakter ng PD fluid (malabo o may bahid ng dugo)
  • May pananakit, nana, pamumula, o pag-init sa paligid ng lugar kung saan nakakabit ang PD catheter.
  • Mahirapan sa pag daloy ng PD solution papasok o palabas ng tiyan.
  • Hirap sa pagdumi.
  • Mayroong di inaasahang pagbigat ng timbang, pamamanas, hirap sa paghinga, at pagtaas ng blood pressure – ang mga ito ay sintomas ng pagtaas ng naiiwang tubig sa sistema ng katawan (fluid overload)
  • Mababang blood pressure, labis na pagbagsak ng timbang, pamumulikat, at pagkahilo–mga senyales ng kakulangan ng tubig o labis na patanggal ng tubig ng PD.