Ang mga sakit sa kidney ay nahahati sa dalawang grupo Medikal na sakit sa kidney:
Nabibilang sa medikal na sakit sa kidney ang kidney failure, UTI, at nephrotic syndrome. Ito ay karaniwang ginagamot ng espesyalista sa kidney o nephrologists. Ang mga pasyente na may malubhang sakit sa kidney ay nangangailangan ng dialysis o kidney transplant.
Sakit na surgical:
Ang urologists ang gumagamot sa pagbabara sa kidney, tulad ng problema sa prostate at kanser sa daanan ng ihi. Sila ay nagsasagawa ng mga operasyon tulad ng endoscopy at lithotripsy.
Ano ang pagkakaiba ng nephrologist at urologist?
Ang mga nephrologist ay dalubhasa sa paggamot ng sakit sa kidney na medikal. Pinapabagal nila ang tuluyang pagkasira ng kidney, st sila ang nagpapasya kung kinakailangang mag-dialysis o magpa-kidney transplant ang pasyente; ang urologist naman ay dalubhasa sa pagsasagawa ng operasyon na maaaring kailangan upang lunasan ang ibang sakit sa kidney tulad ng bato sa kidney, mga tumor sa kidney at prostate, at iba pa sa pamamagitan ng pamamaraan ng operasyon.
Major Kidney Diseases |
Medikal |
Kailangan ng Operasyon |
Acute kidney failure
Acute kidney failure
Impeksiyon sa Daana ng Ihi
Impeksiyon sa Daana ng Ihi |
Bato sa Kidneys
Bladder and prostate problems
Congenital urinary anomalies
Kanser |
Kidney Failure
Ang kidney failure ay ang malaking pagbawas sa kakayahan ng kidney na magsala at maglabas ng lason o dumi gayundin ang magbalanse ng asin sa katawan. Ang pagtaas ng antas ng creatinine at BUN sa dugo ay dahil sa hindi maayos na pagtrabaho nang maayos ng kidney.
Acute Kidney Failure (AKI)
Ang biglaang pagbaba o pagkawala ng kakayahan ng kidney na gawin ang kanyang trabaho ay tinatawag na acute kidney (renal) failure o acute kidney injury (AKI), Ang dami ng ihi ay nababawasan sa mga nakararami na mayroong AKI. Ang mga sanhi nito ay matinding pagtatae, matinding pagsusuka, falciparum malaria, pagbagsak ng presyon, sepsis, ilang mga gamot (NSAIDs), at iba pa. Maaaring bumalik sa dati ang kakayahan ng kidney sa halos lahat ng pagkakataon kung magagamot ito nang maaga at maayos.
Chronic Kidney Disease (CKD)
Ang CKD ay tahimik na sakit at kalimitang hindi napapansin. Sa mga unang bahagi ng CKD, ang mga sintomas ay kakaunti at hindi tiyak sa sakit sa bato. Kalimitang sintomas ay nanghihina ang buong katawan, walang gana sa pagkain, naduduwal at nasusuka, nagmamanas, tumataas ang presyon, at iba pa. Ang dalawang mahalagang sanhi ng CKD ay diabetes at mataas na presyon o altapresyon.
Dahan-dahang pagkasira at pagkawala ng kakayahan ng kidney na gawin ang kanyang trabaho mula ilang buwan hanggang taon ay tinatawag na Chronic Kidney Disease o Chronic Renal Failure (CKD/ CRF). Dahan-dahan at mabagal ang pagkasira ng kidney sa ganitong uri ng sakit ngunit ito ay tuloy-tuloy. Makalipas ang matagal na panahon ng pagkapinsala, ang kidney ay wala ng kakayahang magtrabaho. Ang tawag dito ay End Stage Renal Disease (ESRD) o End Stage Kidney Disease (ESRD/ESKD) na malubhang kondisyon.
Ilan sa mga mahahalagang sintomas ng CKD ay ang paglitaw ng protina sa urinalysis, mataas na antas ng creatinine sa dugo, at maliliit na sukat ng kidney sa ultrasound. Ang antas ng creatinine sa dugo ng pasyente na may CKD ay tumataas sa paglipas ng panahon.
Sa mga unang bahagi ng CKD, ang pasyente ay nangangailangan ng tamang gamot at pagkain. Walang tiyak na gamot na maaaring makagaling sa CKD. Dapat nating malaman na habang tumatanda, ang trabaho ng kidney ay nababawasan. Sa pagtanda, kung hindi makokontrol ang mga sakit tulad ng ng diabetes at altapresyon, ito ay maaaring makaragdag sa mabilis na paghina ng mga kidney. Layunin ng paggamot na pabagalin ang pagkasira ng mga kidney, iwasan ang mga komplikasyon, at panatilihin ang maayos na buhay ng pasyente sa kabila ng matinding pagkasira ng mga kidney. Kapag ang sakit sa kidney ay malubha na (ESRD/ ESKD), mahigit 90% ng trabaho ng kidney ang nawala (ang creatinine sa dugo ay nasa higit 8-10 mg/dL). Sa yugtong ito, ang dialysis (hemodialysis at peritoneal dialysis) at kidney transplant na lamang ang maaaring pamamaraan ng panggagamot.
Ang dialysis ay isang paraan ng paglilinis at pagtanggal ng lason o toxin sa katawan at pagtanggal ng sobrang tubig na maaaring maimbak sa loob ng katawan mula nang tumigil na magtrabaho nang maayos ang kidney. Hindi nakagagaling ang dialysis sa CKD. Sa mga pasyenteng tuluyan nang nasira ang mga kidney, mangangailangan sila ng panghabambuhay na dialysis maliban na lamang kung sasailalim sila sa kidney transplant. Dalawa ang klase ng dialysis: (1) hemodialysis at (2) peritoneal dialysis.
Ang hemodialysis (HD) ay ang pinakamadalas na ginagamit na paraan ng pagda-dialysis. Gumagamit ito ng isang espesyal na makina para magtanggal ng lason, at sobrang asin at tubig sa katawan. Ang Continuous Ambulatory Peritoneal Dialysis (CAPD) ay isang paraan ng dialysis na maaaring gawin sa bahay o opisina na hindi nangangailangan ng makina.
Ang Kidney Transplant ang pinakamahusay na solusyon sa mga pasyenteng may ESRD/ESKD
Impeksiyon ng daanan ng Ihi o UTI
Ang mahapdi at malimit na pag-ihi, pagsakit na puson at lagnat ang pangkaraniwang mga sintomas ng UTI. Ang nana sa urinalysis ay nagpapahiwatig na may impeksiyon o UTI.
Kalimitan halos lahat ng pasyente ay gumagaling sa tamang antibiotic. Ang UTI sa bata ay mas nangangailangan ng masusing pagsusuri. Maaari itong maging sanhi ng tuluyang pagkasira ng kidney ng mga bata kung hindi kaagad mabibigyan ng tamang paggamot.
Sa mga pasyente na may pabalik-balik na UTI, mahalagang makita kung mayroong bara, bato sa kidney, abnormal na estruktura o TB sa daanan ng ihi (GUTB). Ang pinakamahalagang sanhi ng UTI sa bata ay ang tinatawag na ‘Vesicoureteral reflux (VUR).’Ito ay isang ‘congenital’ abnormality na kadalasang nagiging sanhi ng abnormal na pagdaloy ng ihi; mula sa pantog pabalik sa mga kidney sa halip na mula sa kidney papunta sa pantog.
Nephrotic Syndrome
Ang nephrotic syndrome ay tumutukoy sa isang uri ng sakit sa kidney na nailalarawan ng sumusunod na mga sintomas: pagmamanas, mataas na antas ng protina sa ihi, (mahigit 3.5 grams protina sa ihi bawat araw), mababang antas ng albumin sa dugo (hypoalbuminemia), at mataas na antas ng cholesterol sa dugo. Maaaring normal o mataas ang presyon ng pasyente at ang antas ng creatinine sa dugo o maaari din itong normal o mataas depende sa trabaho ng kidney.
Mahalagang malaman ang sanhi ng nephrotic syndrome sapagkat iba-iba ang tugon nito sa iba-ibang gamot. Mayroong mga pasyenteng gumagaling ngunit sa karamihan ang mga sintomas ay pabalik-balik depende sa bahagi ng gamutan.
Maganda ang kinalalabasan ng mga batang nagamot ang nephrotic syndrome. Maayos ang kanilang pamumuhay at ang kanilang mga kidney ay normal.
Bato sa kidney (Kidney stones)
Ang bato sa kidney ay pangkaraniwan at isa sa mga pangunahing sakit. Ang mga kidney, ureter, at pantog ang mga pangkaraniwang lugar kung saan matatagpuan ang bato. Ang mga pangkaraniwang sintomas ng may bato sa kidney ay matinding sakit ng likod o tagiliran, pagduwal at pagsuka, dugo sa ihi, at iba pa. Ngunit mayroong ibang tao na mayroong bato sa kidney subalit wala pa ring nararamdaman kahit na matagal nang mayroon nito. Upang malaman kung mayroong bato sa kidney, ang pangkaraniwang paraan upang makita ay ang x-ray sa tiyan at ultrasound.
Karamihan ng maliliit na bato ay kayang mailabas sa ihi nang natural sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig. Kung ang bato ay nakapagdudulot ng matinding sakit na hindi na matiis, paulit-ulit na impeksiyon, pagbabara sa daluyan ng ihi o tuluyan nang pagkapinsala ng kidney, ito ay mga indikasyon na kailangang tanggalin ang bato sa lalong madaling panahon. Ang pamamaraan ng pagtanggal nito ay ibinabatay sa laki, lugar, at uri ng bato. Ang mga pinakakaraniwang paraan ay lithotripsy, endoscopy (PCNL, cystoscopy and ureteroscopy), at pag-oopera (open surgery).
Bato sa kidney (Kidney stones)
Ang bato sa kidney ay pangkaraniwan at isa sa mga pangunahing sakit. Ang mga kidney, ureter, at pantog ang mga pangkaraniwang lugar kung saan matatagpuan ang bato. Ang mga pangkaraniwang sintomas ng may bato sa kidney ay matinding sakit ng likod o tagiliran, pagduwal at pagsuka, dugo sa ihi, at iba pa. Ngunit mayroong ibang tao na mayroong bato sa kidney subalit wala pa ring nararamdaman kahit na matagal nang mayroon nito. Upang malaman kung mayroong bato sa kidney, ang pangkaraniwang paraan upang makita ay ang x-ray sa tiyan at ultrasound.
Karamihan ng maliliit na bato ay kayang mailabas sa ihi nang natural sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig. Kung ang bato ay nakapagdudulot ng matinding sakit na hindi na matiis, paulit-ulit na impeksiyon, pagbabara sa daluyan ng ihi o tuluyan nang pagkapinsala ng kidney, ito ay mga indikasyon na kailangang tanggalin ang bato sa lalong madaling panahon. Ang pamamaraan ng pagtanggal nito ay ibinabatay sa laki, lugar, at uri ng bato. Ang mga pinakakaraniwang paraan ay lithotripsy, endoscopy (PCNL, cystoscopy and ureteroscopy), at pag-oopera (open surgery).