Ang Kidney Education Foundation ay isang organisasyong pangkalusugan na itinatag ng isang Indian Nephrologist na si Dr. Sanjay Pandya. Ang misyon nito ay ang pagturo sa mga tao ang pag-aalaga ng mga kidney sa pamamagitan ng mga aklat at website sa iba’t-ibang wika.
Ang mga website ay nilikha upang maimulat ang lipunan tungkol sa mga sakit ng mga kidney at upang maturuan ang mga pasyente at ang kanilang mga pamilya. Nababasa at nakukuha nang libre sa website na ito ang madaling maintindihang impormasyon tungkol sa mga sakit ng mga kidney.
Ang koponan ng Kidney Education Foundation ay binubuo ng mga doktor ng mga kidney at iba pang taong gustong tumulong sa mga pasyenteng may sakit sa kidney.