Libre! Gabay sa Kidney gamit ang 35+ na wika
www.KidneyEducation.com
Libre ang pagbabasá, pag-download, at paglimbag
ng 200 na pahina na gabay sa mga bato sa
sumusunod na wika
Mga Pandaigdigang Wika
Filipino, English, Arabic, Bengali, Chinese, French,
German, Italian, Japanese, Korean, Lao, Nepali, Persian,
Portuguese, Russian, Serbian, Sinhala, Spanish, Swahili,
Thai, Turkish, Urdu and Vietnamese
Mga Indian na Wika
Hindi, Assamese, Gujarati, Kannada, Kutchi,
Malayalam, Manipuri, Marathi, Oriya, Punjabi,
Sindhi, Tamil and Telugu
WhatsApp Free aracýlýðýyla Böbrek Kitabýný almak için
+91 94269 33238
ILIGTAS ANG IYONG MGA KIDNEY
Komprehensibong Impormasyon sa Pag-iwas at
Paglunas sa Sakit sa mga Kidney
Dr. Elizabeth Angelica Lapid-Roasa
MD, FPCP, FPSN
Manila, Philippines
Dr. Edgar V. Lerma
MD, FACP, FASN, FAHA, FASH, FNLA, FNKF, FASDIN,
FPSN (Hon)
Chicago, IL
Dr. Sanjay Pandya
MD, DNB (Nephrology)
Rajkot, India
Iligtas Ang Iyong Mga Kidney
Publisher
Samarpan Kidney Foundation,
Samarpan Hospital, Bhutkhana Chowk,
Rajkot 360002 (Gujarat, India)
E-mail: [email protected]
©Samarpan Kidney Foundation
Tüm haklarý mahfuzdur. Bu kitabýn hiçbir kýsmý, yayýncýlarýn yazýlý izni olmaksýzýn bilgi depolama ve geri alma sistemleri de dahil olmak üzere herhangi bir biçimde veya elektronik veya mekanik yöntemlerle çoðaltýlamaz. Bu kitap Hindistan’da yayýnlanmak üzere olup, yayýncýnýn yazýlý izni olmaksýzýn ihraç edilemez. Anlaþmazlýk halinde tüm hukuki konular sadece Rajkot Hindistan yetkisi kapsamýnda çözülmelidir.
Mga May-Akda:
Dr. Elizabeth Angelica Lapid-Roasa, MD, FPCP, FPSN
Chairman, Department of Physiology, Faculty of Medicine and Surgery, University of Santo Tomas, Manila, Philippines
Chief, Section of Nephrology, University of Santo Tomas Hospital, Manila, Philippines
Dr. Edgar V. Lerma , MD, FACP, FASN, FAHA, FASH, FNLA, FNKF, FASDIN, FPSN (Hon)
Clinical Professor of Medicine, Section of Nephrology, University of Illinois at Chicago
College of Medicine, Associates in Nephrology, SC, Chicago, IL
Dr. Sanjay Pandya , MD, DNB (Nephrology)
Consulting Nephrologist, Samarpan Hospital, Bhutkhana Chowk, Rajkot (Gujarat), India
Ang librong ito ay para sa mga pasyenteng may sakit sa mga kidney at sa kanilang mga pamilya
Talaan ng Nilalaman
Unang Bahagi: Mga Pangunahing Impormasyon Tungkol sa Bato
|
Kabanata 1 |
Pambungad |
1 |
Kabanata 2 |
Pambungad |
3 |
Kabanata 3 |
Mga Sintomas ng Sakit sa Kidney |
10 |
Kabanata 4 |
Pagtukoy sa Sakit sa Kidney |
13 |
Kabanata 5 |
Pangunahing Sakit sa Kidney |
21 |
Kabanata 6 |
Mga Kathang-Isip at Mga Katotohanan sa Sakit sa Kidney |
27 |
Kabanata 7 |
Pag-iwas sa Sakit sa Kidney |
32 |
Pangalawang Bahagi: Mga Pangunahing Sakit ng Kidney at Lunas Nito
|
Kabanata 8 |
Ano ang Kidney Failure? |
40 |
Kabanata 9 |
Ang Acute Kidney Failure |
42 |
Kabanata 10 |
Ang Acute Kidney Failure |
47 |
Kabanata 11 |
Chronic Kidney Disease: Mga Sintomas at Pagtukoy |
49 |
Kabanata 12 |
Chronic Kidney Disease: Lunas |
55 |
Kabanata 13 |
Ang Dialysis |
64 |
Kabanata 14 |
Ang Dialysis |
88 |
Iba pang mga Sakit sa Kidney
|
Kabanata 15 |
Sakit sa Kidney Sanhi ng Diabetes |
110 |
Kabanata 16 |
Ang Polycystic Kidney Disease |
122 |
Kabanata 17 |
Ang Buhay na may Isang Kidney lamang |
129 |
Kabanata 18 |
Impeksiyon sa Daanan ng Ihi |
133 |
Kabanata 19 |
Mga Bato sa Kidney |
141 |
Kabanata 20 |
Ang Benign Prostatic Hyperplasia (BPH) |
157 |
Kabanata 21 |
Ang Kidney at mga Gamot |
166 |
Kabanata 22 |
Ang Nephrotic Syndrome |
172 |
Kabanata 23 |
Impeksiyon sa Daanan ng Ihi ng mga Bata |
188 |
Kabanata 24 |
Pag-ihi sa Higaan ng mga Bata |
201 |
Ang Tamang Pagkain ng may Sakit sa Kidney
|
Kabanata 25 |
Ang Tamang Pagkain ng may Sakit sa Kidney |
207 |
Ang librong “ILIGTAS ANG IYONG MGA KIDNEY” ay ginawa upang magbigay ng impormasyon at alituntunin nang maiwasan ang mga karaniwang sakit sa kidney
Sa mga nagdaang dekada, nakagagambala ang pagtaas ng bilang ng mga sakit sa bato. Naging karaniwan na ang chronic kidney disease na mahirap bigyang lunas. Ang kaalaman sa mga sanhi, sintomas, at mga hakbang sa pag-iwas sa mga sakit sa bato ay ang mga pinakamabisang paraan upang maiwasan ang sakit na ito. Ang librong ito ay ang aming ginawa upang mabigyan ang mga mamamayan ng impormasyong kanilang madaling mauunawaan.
Ang maagang pagtukoy at paglunas sa sakit na ito ay nakabubuti at nakatitipid. Bihira lamang ang mga taong nakatutukoy ng mga sintomas sa sakit sa bato dahil sa kakulangan sa kaalaman tungkol dito. Ang lunas sa chronic kidney disease, tulad ng dialysis at kidney transplantation, ay napakamahal sa isang bansa gaya na lamang ng India, mas mababa sa sampung bahagdan ng mga pasyente ang kayang magbayad sa mga lunas na ito. Upang mapababa ang mga bilang ng chronic kidney disease, ang maagang pagtukoy at agarang paglunas lamang ang pinakamabisang paraan.
Ang pagkakaroon ng sakit sa bato ay nakababahala sa pasyente at sa kaniyang pamilya. Nais nilang malaman ang lahat tungkol sa sakit na ito, at hindi ito matutugunan lahat ng doktor na pangunahing layunin ng librong ito. Makatutulong ang librong ito anumang oras na kailanganin ng pasyente ang impormasyon. Nilalaman ng librong ito ang pangunahing impormasyon tungkol sa sintomas, pagsusuri, pag-iwas, at paglunas sa iba’t ibang sakit sa bato. Kasama rin dito ang mga dapat kainin at tamang pagkain ng mga pasyenteng may sakit sa bato. Ngunit, ang paggamot sa sarili at pagkakaroon ng tamang pagkain na batay sa librong ito
na walang abiso mula sa doktor ay mapanganib at hindi namin inirerekomenda.
Ang gabay na ito ay makatutulong rin sa mga taong maaaring magkaroon ng sakit sa bato at makadaragdag sa kaalaman ng mga taong nais matutuhan ang lahat tungkol sa sakit sa bato. Makatutulong rin ito bilang gabay sa mga mag-aaral ng medisina, doktor, o mga nagtatrabaho bilang paramedics.
Inaasahan ang librong ito ay maging kapakipakinabang. Malugod naming tatanggapin ang anumang suhestiyon upang maging mas epektibo at episyente ang librong ito.
Hangad namin ang inyong masiglang kalusugan,
Dr. Elizabeth Angelica Lapid-Roasa
Dr. Edgar V. Lerma
Dr. Sanjay Pandya
Dr. Elizabeth Angelica Lapid-Roasa, MD, FPCP, FPSN
Nakamit ni Dr. Lapid-Roasa ang kaniyang medical degree sa University of Santo Tomas, Faculty of Medicine and Surgery. Natapos niya ang kaniyang taining bilang resident sa Internal Medicine at fellow sa Nephrology sa University of Santo Tomas Hospital. Siya isang Diplomate at Fellow ng Philippine College of Physicians at Philippine Society of Nephrology kung saan siya ay kasalukuyang miyembro ng National Board of Trustees. Siya ay naging Board Examiner sa Philippine Specialty Board of Internal Medicine. Siya rin ay isang Fellow ng Philippine Society of Hypertension.
Si Dr. Lapid-Roasa ay Associate Professor sa Faculty of Medicine and Surgery ng UST. Siya ay natuturo sa Department of Physiology and Internal Medicine. Siya ang Chief ng Section ng Nephrology ng Fakulti at Ospital ng UST.
Naging tagapangulo ng mga Klaster sa Pangangalaga ng Pasyente at Pananaliksik ng PSN. Mayroon siyang kontribusyon sa mga tunguhin ng Asian Lupus Nephritis Network sa mga patnubay at perspektiba ng Asian sa lupus nephritis management. Siya ay aktibo sa pagbuo ng modyul sa basic immunology, renal physiology, at clinical nephrology sa UST Faculty of Medicine.
Dr. Edgar V. Lerma, MD, FACP, FASN, FAHA, FASH, FNLA, FNKF, FASDIN, FPSN (Hon)
Nakamit ni Dr. Edgar Lerma ang kaniyang Doctor of Medicine sa University of Santo Tomas Faculty of Medicine and Surgery. Nakompleto niya ang kaniyang Residency Trainng sa Internal Medicine sa Mercy Hospital and Medical Center at sa University of Illinois sa Chicago College of Medicine. Bilag karagdagan, Natapos din niya ang kaniyang Fellowship sa Nephrology at Hypertension sa Northwestern Memorial Hospital, sa Feinberg School of Medicine sa Northwestern University, at sa Veterans Administration (VA) Lakeside Medical Center sa Chicago, Illinois.
Kasalukuyan siyang Educational Coordinator para sa Section of Nephrology sa UIC/ Advocate Christ Medical Center sa Oak Lawn, Illinois, USA. Ang kaniyang academic rank ay Clinical Professor ng Medicine sa University of Illinois sa Chicago College of Medicine. Siya rin ay miyembro ng Associates sa Nephrology, S.C.
Si Dr. Lerma ay maraming internasyunal na publikasyon. Editor at mayakda ng maraming kilalang aklat tulad ng Nephrology Secrets, Current Diagnosis & Treatment Nephrology & Hypertension, Renal Disease, An Issue of Clinics in Geriatric Medicine, Updates in Geriatric Nephrology, Current Essentials: Nephrology & Hypertension, Diabetes and Kidney Disease, Clinical Decisions in Nephrology, Hypertension and Kidney Transplantation, Kidney Diseases and Hypertension, Kidney Transplantation: Practical Guide to Management, Diseases of the Parathyroid Glands, Dyslipidemias in Kidney Disease, at Dermatological Manifestations of Kidney Disease.
Dr. Sanjay Pandya, MD, DNB (Nephrology)
Siya ay isang senior nephrologist na nagtatrabaho sa Rajkot (Gujarat- India). Siya ay aktibo sa pagtuturo ng sakit sa mga kidney. Inilathala niya ang mga librong tungkol sa bato sa iba’t ibang lengguwahe: Ingles, Hindi, Gujarati at Kutchi. Binuo niya ang Kidney Education Foundation na may layuning ibahagi ang kaalaman sa pag-iwas sa sakit sa bato at ang pagaalaga nito. Sa tulong ng dedikadong nephrologists sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ang mga libro tungkol sa mga bato ay isinalin sa 36 na lengguwahe. Binuo din niya ang website na www. KidneyEducation.com upang maabot ang mas marami pang tao. Maaaring i-download sa website na ito ang 200 pahinang libro tungkol sa mga bato. Napakasikat ng website na ito: sa loob ng 100 months ay mayroon na itong 50 million hits.
Benjamin M. Mendillo Jr, PhD, LPT, PCBT, MCS, NLP
Gradweyt ng Philippine Normal University at ginawaran ng Graciano Lopez Jaena Award in Journalism bilang editor ng Torch Publication. Binigyan ng full scholarship ng De La Salle University sa Honor’s Degree Program saPagsasalin. Siya ay may digring Doctor of Philosophy in Translation sa DLSU at nakapagturo sa PNU sa Kagawaran ng Filipino, sa DLSU sa Kagawaran ng Panitikan, sa San Beda College, at sa Asia Pacifc College. Sertipikadong Praktisyoner ng Neuro Linguistic Programming at Cognitive Behavioural Therapy.
Awtor sa aklat Pananaliksik at Editor ng Internasyonal na Publikasyon sa Pagsasalin. Apelyado siya sa American Translators Association, American Literary Association, at International Association of Forensic Linguists. Siya ay naging pangulo ng Translators League of the Philippines at kasalukuyang pangulo ng National Society of Filipino Translators.
Nagsilbing Executive Assistant V sa Tanggapan ng Ombudsman, Chief ng Presidential Electoral Tribunal ng Korte Suprema, at dáting Chief Translator ng Ofce of the President, Komisyon sa Wikang Filipino.
Pagsalin sa wikang Filipino:
Dr. Mark Louie C. Alag, FPCP - Manila, Philippines
Dr. Clarissa Susan P. Anonuevo-dela Rama, FPCP, FPSN
Dr. Alsun S. Cabarles, FPCP
Dr. Coralie Therese D. Dioquino- Dimacali, FPCP, FPSN
Dr. Edgardo F. Faustino, FPCP, FPSN
Dr. Jasmin Romina P. Laguesma-Navarro, FPCP, FPSN
Dr. Elizabeth Angelica E. Lapid-Roasa, FPCP, FPSN
Dr. Jose Protacio D. Marcia, FPCP, FPSN
Dr. Jhudielle Francesca R. Medenilla-de Guzman
Dr. Maria Stella L. Navarro, FPCP, FPSN
Dr. Maria Gina C. Nazareth, FPCP, FPSN
Dr. Stephen M. Nazareth, FPUA
Dr. Dexter Clifton C. Pe, FPCP, FPSN
Sa karagdagang tulong mula kina:
Dr. Concesa B. Cabanayan-Casasola, FPCP, FPSN
Dr. Ma. Lorelei Lucio-Tong, FPCP, FPSN
Dr. J Meinard J. Nepomuceno, FPCP, FPSN
Dr. Marichel Pile-Coronel, FPCP, FPSN
Dr. Benita S. Padilla, FPCP, FPSN
Dr. Anthony Russell Villanueva, FPCP, FPSN
Sa makabuluhang suporta ng Philippine Society of Nephrology, Inc.
At sa pagsuri ng mga Kawani ng Komisyon sa Wikang Pilipino na sina: Benjamin M. Mendillo, PhD – Chief Language Researcher at Puno, Sangay ng Salin Grace Bengco, Rosie Martinez, Brenda Jean Prostero, Myrna Trinidad (Senior Language Researchers)
Andremel King Tolentino (Translator II)
Mga Tuntunin sa Pagbasa ng Librong Ito
Ang librong ito ay nahahati sa dalawang bahagi
Unang Bahagi:
Inilalahad dito ang pangunahing impormasyon tungkol sa bato at ang pag-iwas sa mga sakit sa kidney. Ang lahat ay hinihikayat na basahin ito dahil ipaliliwanag sa mambabasa ang maagang pagtukoy at pag-iwas sa mga sakit sa bato.
Pangalawang Bahagi:
Maaari itong basahin ng mambabasa kung kailangan lamang o may nais na malaman tungkol sa tiyak na sakit sa kidney.
- Tatalakayin ang mga impormasyon tungkol sa pangunahing sakit sa bato, mga sintomas, pagtukoy, pagiwas, at paglunas;
- Ang mga sakit na sumisira sa mga bato (diabetes, altapresyon, polycystic kidney disease, atbp) at mga tuntunin upang maiwasan ito; at
- Mga detalye tungkol sa tamang pagkain para sa mga pasyenteng may chronic kidney disease.
Ang mga impormasyon sa librong ito ay hindi abisong medikal. Ang pag-inom ng gamot na hindi kumukonsulta sa doktor ay mapanganib
Unang Bahagi:
Batayang Impormasyon sa Bato
- Estruktura at tungkulin ng kidney
- Sintomas at pagsusuri sa sakit sa bato
- Mga kathang-isip at katotohanan sa sakit sa kidney
- Pag-iwas sa sakit sa kidney