25 Mga Pagkaing Angkop Sa Mga Pasyenteng May Chronic Kidney Disease (CKD)

Ang pinakamalaking papel ng ating mga kidney ay tanggalin ang mga basura at linisin ang dugo. Bukod dito, ang kidney ay may importanteng tungkulin sa pagtanggal ng sobrang tubig, mga minerals, at kemikal; ito rin ay nagreregula ng tubig at mineral tulad ng sodium, calcium, phosphorus at bicarbonate sa katawan. Sa mga pasyenteng may karamdamang Chronic kidney disease (CKD) o permanenteng pagkasira ng mga kidney, ang pagreregula ng fluids at electrolytes ay palyado. Sa kadahilanang ito, kahit na ang normal na pag-inom ng tubig, asin o potassium ay lubhang makakasira ng balanse ng fluids at electrolytes.

Upang maibsan ang pasanin ng palyadong kidney at maiwasan ang pagkasira ng balanse ng fluids at electrolytes, ang mga pasyenteng may chronic kidney disease ay dapat baguhin ang kanilang pagkain sa tulong ng kanilang manggagamot at dietician. Walang nakalapat na iisang pagkain para sa mga pasyenteng may CKD. Bawat pasyente ay may kani-kaniyang dietary advise na naaayon sa kanilang estadong klinikal, CKD stage at iba pang problemang medikal. Ang dietary advise ay kinakailangang baguhin sa parehong pasyente sa iba’t ibang panahon. Ang layunin ng dietary therapy sa mga pasyenteng may CKD ay upang:

  • Mapabagal ang proseso ng chronic kidney disease at maipagpaliban ang dialysis.
  • Mabawasan ang masamang epekto ng sobrang urea sa dugo.
  • Mapanatili ang magandang estado ng nutrisyon at maiwasan ang pagbagsak ng katawan.
  • Mabawasan ang panganib na dulot ng fluid at electrolyte disturbances.
  • Mabawasan ang panganib ng sakit sa puso.

Ang mga pangkalahatang programa sa dietary therapy sa mga pasyenteng may CKD ay:

  • Bawasan ang pagkain ng protina sa <0.8 gm/kg body weight sa bawat araw sa mga pasyenteng hindi pa nagdadialysis. Ang mga pasyenteng nagdadialysis ay nangangailangan ng mas mataas na protina (1.0-1.2gm/kg body weight bawat araw) upang mapalitan ang protinang nawawala habang nagdadialysis.
  • Magbigay ng tamang dami ng carbohydrates upang magkaroon ng enerhiya.
  • Magbigay ng katamtamang dami ng fats. Bawasan ang mantikilya, ghee, at mantika.
  • Limitahan ang pag-inom ng tubig at iba pang likido kung may manas.
  • Bawasan ang dami ng sodium, potassium at phosphorus sa pagkain.
  • Magbigay ng katamtamang dami ng bitamina at trace elements. Inirerekominda ang mataas na fber diet.

Ang mga detalye sa pamimili at pagbabago ng pagkain ng mga pasyenteng may CKD ay ang sumusunod:

1. High Calorie Intake

Ang ating katawan ay nangangailan ng calories para sa pangaraw-araw na gawain upang mapanatili ang temperatura, paglaki at angkop na pangangatawan. Ang calories ay nanggagaling sa carbohydrates at fats. Ang karaniwang calorie requirement ng mga pasyenteng may CKD ay 35-40 kcal/kg body weight sa bawat araw. Kung ang calorie intake ay di sapat, ginagamit ng katawan ang protina upang maglaan ng calories. Ang pagkasira ng protina ay maaaring humatong sa masamang epekto tulad ng malnutrisyon at paglikha ng mas maraming basura sa katawan. Kung kaya’t napakahalagang magbigay ng sapat na calories sa mga pasyenteng may CKD. Importanteng kuwentahin ang calorie requirement nang naaayon sa ideal body weight ng pasyente at hindi sa kasalukuyang timbang.

Carbohydrates

Ang carbohydrates ang pangunahing pinagmumulan ng calories ng katawan. Ang carbohydrates ay matatagpuan sa trigo, cereals, kanin, patatas, prutas at gulay, asukal, pulot, biskwit, cake, matatamis, at ibang mga inumin. Ang mga may diabetes at lubhang matatabang mga pasyente ay nangangailangang limitahan ang dami ng carbohydrates. Mas mabuting kumain ng complex carbohydrates mula sa cereals tulad ng whole wheat at unpolished rice na nagtataglay din ng fber. Ito dapat ang may pinakamalaking bahagi ng cardohydrates sa pagkain. Ang ibang mga pagkaing nagtataglay ng simple sugar ay di dapat labis sa 20% ng kabuoan ng carbohydrate intake, lalo na sa mga pasyenteng may diabetes. Sa mga hindi diabetiko, maaaring ipalit ang calories mula sa protina sa carbohydrates mula sa prutas, pies, cakes, biskwit, jellies o pulat basta ang panghimagas na may tsokolate, mani o saging ay limitado.

Fats

Ang fats ay importanteng pinagmumulan ng calories sa katawan at nagdudulot ito ng mahigit dalawang calories kaysa sa carbohydrates o protina. Unsaturated o good fats tulad ng olive oil, peanut oil, canola oil, safower oil, sunflower oil, isda, at mani ay mas mabuti kaysa sa saturated o bad fats tulad ng pulang karne, manok, whole milk, mantikilya, ghee, keso, niyog, at lard. Ang mga pasyenteng may CKD ay dapat bawasan ang pagkain ng saturated fats at cholesterol, dahil ito ay sanhi ng sakit sa puso. Sa mga unsaturated fats importante ay bigyang pansin ang sukat ng monounsaturated at polyunsaturated fats. Ang labis na dami ng omega-6polyunsaturated fatty acids (PUFA) at napakataas na omega-6/omega-3 ratio ay nakasasama habang ang mababang omega-6/omega-3 ratio ay may benepisyo. Makakamtan ito sa paggamit ng pinaghalong vegetable oil kaysa paggamit ng iisang oil o mantika. Ang mga pagkaing naglalaman ng trans fat ay tulad ng potato chips, doughnuts, commercially prepared cookies, at cakes ay maaaring makasamâ at ito ay dapat iwasan.

2. Bawasan ang pagkain ng protina

Ang protina ay kailangan sa pagkumpuni at upang mapanatili ang body tissues. Ito ay nakatutulong sa paggaling ng mga sugat at panlaban sa impeksiyon. Ang pagbawas sa protina (<0.8 gm/ kg body weight/ day) ay inirerekomenda sa mga pasyenteng may CKD na hindi nagdadialysis upang mabawasan ang bilis ng pagkasira ng mga kidney at mapabagal ang pangangailangan ng dialysis at kidney transplantation. Ang labis na pagbawas ng protina ay dapat iwasan dahil sa panganib ng manutrisyon. Ang walang gana sa pagkain ay madalas sa mga pasyenteng may CKD. Ang kawalang gana sa pagkain at istriktong paghihigpit ng protina ay maaaring magdulot ng mababang nutrisyon, mababang timbang, at kawalan ng enerhiya at pagbaba ng resistensya ng katawan, na kung saan ay mataas ang panganib ng kamatayan. Ang mga protinang may high biologic value tulad ng karne ng mga hayop (karne, manok at isda), itlog at tokwa ay mas mabuting piliin. Ang High-protein diets (Atkins diet) ay dapat iwasan ng mga pasyenteng may CKD. Gayun din, ang paggamit ng protein supplements at mga gamot tulad ng creatine na ginagamit sa pagpapalaki ng mga katawan ay dapat iwasan maliban lamang kung ito ay sang-ayon sa manggagamot o dietician. Gayon pa man, kung ang pasyente ay nagdadialysis na, ang pagkain ng protina ay dapat itaas sa 1.0-1.2 gm/kg bodyweight/day upang mapalitan ang mga protinang nawala habang nagdadialysis.

3. Pag-inom ng likido

Ang mga kidney ay may mahalagang trabaho sa pagpapanatili ng tamang dami ng tubig sa katawan sa pamamagitan ng pag-alis ng sobrang likido sa ihi. Sa mga pasyenteng may CKD, habang lalong nasisira ang kidney, ang dami ng ihi ay nababawasan. Ang pagbawas sa dami ng ihi ay humahantong sa pag-ipon ng tubig sa katawan na nagdudulot ng pamamaga ng mukha, binti at kamay, at mataas na presyon. Ang pagkaipon ng tubig sa baga (kondisyon na tinatawag na pulmonary congestion o edema) ay nagdudulot ng paghingal at hirap sa paghinga. Kung ito ay di mapipigilan, ito ay maaaring humantong sa kamatayan.

Ano ang mga palatandaan na magmumungkahi ng sobrang tubig sa katawan?

Ang tawag sa sobrang tubig sa katawan ay fluid overload. Ang pagmamanas ng binti at hita (edema), ascites (pagkaipon ng tubig sa tiyan), pagkahingal, at pagbigat na timbang sa maikling panahon ang mga palatandaan sa sobra na ang tubig sa katawan. Anong mga pag-iingat ang dapat gawin ng mga pasyenteng may CKD upang mapigilan ang sobrang pag-inom ng likido? Upang maiwasan ang sobra o kulang na tubig sa katawan, ang dami ng tubig na iniinom ay dapat inililista o itinatala at sinusunod ayon sa rekomendasyon ng manggagamot. Ang dami ng tubig na puwedeng inumin ay nag-iiba-iba sa bawat pasyenteng may CKD at ito ay kinukwenta batay sa dami ng ihi at estado ng tubig sa katawan.

Gaano kadaming likido ang maaaring ipayo sa mga pasyenteng may CKD?

  • Sa pasyenteng walang manas at may tamang dami ng ihi, walang paglilimita sa pag-inom ng tubig o ibang likido. Madalas na maling akala sa mga pasyenteng may CKD ay dapat uminom ng maraming tubig para maprotektahan ang mga kidney. Ang dami ng tubig na maaaring inumin ay depende sa estadong klinikal at trabaho ng kidney ng pasyente.
  • Ang mga pasyenteng may manas at mababang dami ng ihi ay sinasabihang bawasan ang pag-inom ng tubig o ibang likido. Upang mabawasan ang manas, ang dami ng likido sa buong araw o 24 oras ay dapat mas mababa kaysa sa dami ng ihi sa bawat araw.
  • Upang maiwasan ang fluid overload o defcit sa mga pasyenteng walang manas, ang maaaring pag-inom ng likido sa buong araw, dami ng ihi ng nakaraang araw, at dagdagan ito ng 500 ml. Ang pagdagdag ng 500 ml ay katumbas ng mahigit kumulang sa fluids na nawawala sa ating pawis at paghinga.

Bakit kailangang laging italâ ng mga pasyenteng may CKD ang kanilang timbang?

Kailangan magtala ng pasyente ng kanilang araw-araw na timbang upang masubaybayan ang dami ng likido sa katawan at para malaman kung may sobra o kulang. Ang timbang ng katawan ay halos pare-parehas kung ang mga tagubilin ukol sa dami ng pag-inom ng likido ay mahigpit na sinusunod. Ang pagbigat ng timbang ay babala sa pasyente na lalo pang maging metikuloso sa pagbawas ng mga likido. Ang pagbawas ng timbang ay nangyayari dahil sa pinagsamang epekto ng pagbawas ng likido at mga gamot na pampaihi.

Kapaki-pakinabang na tips sa pagbawas ng pag-inom ng likido:

Mahirap magbawas ng pag-inom ng likido, ngunit ang sumusunod ay makatutulong sa inyo:

  1. Timbangin ang sarili araw-araw sa parehas na oras at isaayos ang pag-inom ng likido nang naaayon.
  2. Ang manggagamot ay papayuhan ka kung gaano karaming likido ang puwedeng inumin sa isang araw. Kalkulahin ng naaayon at kunin ang nasukat na dami ng likido arawaraw. Alalahanin na ang likido ay di lamang tubig kasama rin ang tsaa, kape, gatas, juice, ice cream, malalamig na inumin, mga sopas, at ibang mga pagkaing matataas ang nilalamang tubig tulad ng pakwan, ubas, litsugas, kamatis, kintsay, sarsa, gulaman, at popsicle.
  3. Bawasan ang maaalat, maaanghang, at pritong pagkain sa inyong pagkain dahil ito ay nakakauhaw na humahantong sa mas mataas na pagkonsumo ng fluids.
  4. Uminom lamang kapag ikaw ay nauuhaw. Huwag uminom dahil nakasanayan na o ang iba ay umiinom din.
  5. Kapag ikaw ay nauuhaw, uminom lamang nang kaunti o subukang kumain ng yelo. Kumuha ng maliit na ice cube at sipsipin ito. Mas matagal sa bibig ang yelo kaysa sa likido, at dahil diyan, ito ay mas nakapagbibigaykasiyahan kaysa sa parehong dami ng tubig. Huwag kalimutang isaalang-alang na ang yelo ay nakonsumong tubig din. Upang madaling ikuwenta, magyelo nang ayon na dami ng tubig sa ice tray.
  6. Para mapangalagaan ang tuyong bibig, maaaring magmumog ng tubig ng hindi ito nilulunok. Ang pagkatuyo ng bibig ay mababawasan sa pamamagitan ng pagnguya ng chewing gums, pagsipsip ng matitigas na kendi, lemon wedge o mints at paggamit ng mouthwash upang magbasa- basa ang bibig.
  7. Laging gumamit ng maliit na tasa at baso para sa inyong inumin upang malimitahan ang pag-inom ng likido.
  8. Inumin ang mga gamot pagkatapos kumain kapag ikaw ay iinom na upang maiwasan ang labis na pagkonsumo ng tubig para sa mga gamot.
  9. Ang isang pasyente ay dapat panatilihin ang kanyang sariling abala sa trabaho. Ang pasyente na walang masyadong ginagawa ay mas nararamdaman ang pagnanais na uminom ng tubig ng mas madalas.
  10. Ang mataas na asukal sa katawan sa mga diabetiko ay lalong makapagpapauhaw sa pasyente. Ang mahigpit na pagkontrol ng asukal sa dugo ay napakaimportante upang mabawasan ang pagkauhaw.
  11. Dahil ang mainit na panahon ay lalong nakapagpapauhaw, lahat ng pamamaraan na tumira sa mas malamig na lugar ay mas kaaya-aya at inirerekomenda.

Paano sinusukat at kinokunsumo ang iniresetang dami ng likido sa isang araw?

  • Punuin ang lalagyan ng tubig, ayon sa eksaktong dami ng tubig na iniriseta ng manggagamot. Dapat maunawaan ng pasyente na hindi dapat sumobra ang maaaring inumin sa loob ng isang araw.
  • Sa bawat oras na ang pasyente ay kumunsumo ng isang tiyak na dami ng likido, ang parehong dami ng tubig ay dapat tanggalin mula sa lalagyan ng tubig at itapon.
  • Kapag ang lalagyan ay wala ng tubig, ang pasyente ay nalipol na ang kanyang quota sa buong araw at di na dapat uminom pa.
  • Ipinapayo na ibahagi nang pantay-pantay ang kabuoang dami ng likido sa buong araw upang maiwasan ang pangangailangan na dagdag na likido.
  • Ulit-ulitin araw-araw, ang pamamaraan na ito, kung susundin, epektibong magagawa ang iniresetang dami ng likido sa bawat araw at maiiwasan ang labis na pag-inom ng likido.

4. Pagbabawal ng Asin (Sodium) sa Pagkain Bakit ang mababang asin sa pagkain ay ipinapayo sa mga pasyenteng may CKD?

Ang asin sa ating pagkain ay mahalaga sa ating katawan upang mapanatili ang blood volume at makontrol ang ating presyon. Ang ating mga kidney ay may mahalagang tungkulin sa pagregula ng asin o sodium.

Sa mga pasyenteng may CKD, ang mga kidney ay di kayang tanggalin ang sobrang sodium at likido sa katawan kaya naman naiipon ito. Ang mataas na sodium sa katawan ay humahantong sa pagkauhaw, magmamanas, hingal, at presyon. Upang maiwasan o mabawasan ang mga problemang ito, ang mga pasyenteng may CKD ay maglimita ng sodium sa kanilang pagkain.

Ano ang kaibahan ng sodium at ng asin?

Ang mga salitang sodium at asin ay magkasingkahulugan. Ang asin ay sodium chloride at naglalaman ito ng 40% sodium. Ang asin ay ang pangunahing pinagmumulan ng sodium sa ating pagkain. Ngunit hindi lamang ang asin ang pinagmumulan ng sodium. Marami pang mga sodium compounds sa ating mga pagkain tulad ng:

  • Sodium alginate: ginagamit sa ice cream at chocolate milk
  • Sodium bicarbonate: ginagamit bilang baking powder at soda
  • Sodium benzoate: ginagamit bilang preservative ng sauce
  • Sodium citrate: ginagamit na pampalasa sa gulaman, desserts at mga inumin
  • Sodium nitrate: ginagamit sa pag-preserve at pangkulay sa processed meat o karne
  • Sodium saccharide: ginagamit na artipisyal na pampatamis
  • Sodium sulfte: ginagamit upang maiwasan ang pag-iiba ng kulay ng tuyong prutas.

Ang nabanggit ay compounds na naglalaman ng sodium ngunit hindi ito maalat sa panlasa. Ang sodium ay nakatago sa mga compounds na ito.

Gaano karaming asin ang maaaring kainin o gamitin?

Ang tipikal na araw-araw na paggamit ay 10-15 gramo (4-6 gramo ng sodium). Ang mga pasyenteng may CKD ay dapat gumamit ng asin nang naaayon sa rekomendasyon ng manggagamot. Ang mga pasyenteng CKD na may manas at mataas na presyon ay madalas pinapayuhan na gumamit ng mas kaunti sa 2 gramo ng sodium sa isang araw.

Ano-anong mga pagkain ang may mataas na antas ng sodium? Mga pagkaing mataas sa sodium ay:

  1. Asin, baking powder
  2. Processed foods tulad ng de lata, fast foods, at karne na “deli”
  3. Ready made sauces
  4. Mga pampasarap at mga sawsawan tulad ng patis at toyo
  5. Baked food tulad ng biskwit, cakes, pizza at tinapay
  6. Wafers, chips, popcorn, salted groundnuts, salted dry fruits tulad ng kasuy at pistachios
  7. Commercial salted butter at keso
  8. Instant foods tulad ng noodles, spaghetti, macaroni at cornflakes
  9. Mga gulay tulad ng repolyo, cauliflower, spinach, labanos, beetroot, at dahon ng kulantro o coriander
  10. Sabaw ng buko
  11. Mga gamot tulat ng tableta ng bicarbonate, antacids at pampadumi
  12. Mga pagkaing tulad ng karne, manok at laman-loob gaya ng kidney, atay, at utak
  13. Mga pagkaing-dagat tulad ng alimango, ulang, talaba, hipon, mamantikang isda at tuyong isda

Mga Praktikal na Tips Upang Mabawasan ang Sodium sa Pagkain

  1. Bawasan ang paggamit ng asin at iwasan ang dagdag na asin at baking soda sa pagkain. Magluto ng walang asin at hiwalay na maglagay ng pinahihintulutang dami ng asin. Ito ang pinakamahusay na opsyon upang mabawasan ang paggamit ng asin at masiguro ang pagkonsumo ng pinahihintulutang asin sa pang-araw-araw na pagkain.
  2. Iwasan ang mga pagkaing mataas sa sodium(nakalista sa itaas)
  3. Huwag maglagay ng asin at mga maalat na pampasarap sa mesa o tanggalin ang lalagyan ng asin sa hapag-kainan.
  4. Basahing mabuti ang labels ng mga commercially packaged at processed foods. Huwag lamang tingnan ang asin kundi pati ang ibang mga nilalamang sodium compounds. Tingnan mabuti ang labels at piliin ang sodium free o low sodium na mga pagkain. Siguruhing hindi potassium ang ginamit bilang pamalit sa sodium ng mga pagkaing ito.
  5. Tingnan ang nilalamang sodium ng mga gamot.

  1. Pakuluin ang mga gulay na mataas sa sodium.Itapon ang pinagpakuluan nito. Ito ay makakabawas sa nilalamang sodium ng mga gulay.
  2. Upang maging malasa ang low salt diet. Maaaring maglagay ng ibang spices at condiments o pampalasa tulad ng bawang, sibuyas, lemon juice, bay leaf, sampalok, suka, cinnamon, cloves, nutmeg, pamintang itim, at cumin.
  3. Pag-iingat! Iwasan ang paggamit ng salt substitutes dahil ito ay naglalaman ng mataas na dami ng potassium. Ang mataas na dami ng potassium ng isang salt substitute ay makapagpapataas ng antas ng potassium sa dugo at ito ay delikado sa mga pasyenteng may CKD.
  4. Huwag uminom ng softened water. Sa proseso ng water softening, pinapalitan ang sodium ng calcium. Ang purifed water sa pamamagitan ng proseso ng reverse osmosis ay mababa sa lahat ng uri ng mineral kabilang ang sodium.
  5. Habang kumakain sa restawran (restaurants), piliin ang mga pagkaing mababa sa sodium.

5.Pagbawas ng Potassium sa Pagkain

Bakit ang mga pasyenteng may CKD ay pinapayuhang bawasan ang potassium sa pagkain?

Ang potassium ay isang importanteng mineral na kinakailangan ng katawan para sa tamang trabaho ng kalamnan at mga ugat at para mapanatili ang regular na tibok ng puso. Karaniwan, ang antas ng potassium sa katawan ay binabalanse sa pamamagitan ng pagkaing nagtataglay ng potassium at ang pag-alis ng labis na potassium sa pag- ihi. Ang pagtanggal ng labis na potassium sa ihi may maaaring kulang sa pasyenteng may CKD at maaaring humantong ito sa mataas na antas ng potassium sa dugo (kondisyon na ang tawag ay hyperkalemia). Ang panganib ng hyperkalemia ay mas mababa sa pasyenteng naka-peritoneal dialysis kaysa sa mga naka-hemodialysis. Ang panganib ay magkaiba sa dalawang grupo dahil ang proseso ng peritoneal dialysis ay tuloy-tuloy at ang hemodialysis naman ay hindi araw- araw.

Ang mataas na antas ng potassium ay maaaring magdulot ng matinding panghihina ng kalamnan o di regular na tibok ng puso na maaaring maging mapanganib. Kapag ang potassium ay sobrang taas, ang puso ay maaaring tumigil sa pagtibok ng di inaaasahan at maging sanhi ng pagkamatay. Ang mataas na antas ng potassium ay maaaring maging banta sa buhay nang walang nararamdaman o nakikitang sintomas (kung kayat ito ay kilala bilang silent killer).

Upang maiwasan ang malubhang kahihinatnan ng mataas na potassium, ang mga pasyenteng may CKD ay pinapayuhang magbawas ng potassium sa pagkain.

Mga Pagkaing Katamtaman sa Potassium

  • Prutas: hinog na cherries, ubas, litsiyas, peras, matamis na dayap, at pakwan
  • Gulay: Beet root, hilaw na saging, ampalaya, repolyo, karot, kintsay, cauliflower, French beans, okra, hilaw na manga, sibuyas, labanos, gisantes, sweet corn at dahon ng safower.
  • Cereals: Barley, all purpose flour, noodles na gawa sa wheat flour, rice flakes (pressed rice), at wheat vermicelli
  • Non-vegetarian foods: Atay
  • Inumin: Curd o gatas na pinamuo Mga Pagkaing mababa sa Potassium
  • Prutas: Mansanas, blackberries, lemon, pinya, at strawberries.
  • Gulay: Upo, broad beans, sili, pipino, bawang, litsugas at pointed gourd
  • Cereals: kanin, rava at wheat semolina
  • Legumes: gisantes
  • Non-vegetarian food: baka, tupa, baboy, manok at itlog
  • Inumin: Coca-cola, kape, lemonada, lime juice atsoda
  • Miscellaneous: Cloves, tuyong luya, pulot, mint leaves, mustasa, nutmeg, itim na paminta, at suka

Mga Praktikal na Tips upang Mapababa ang Potassium sa Pagkain

  • Kumain lamang ng isang prutas sa isang araw, mas mabuti ang prutas na may mababang potassium
  • Uninom lamang ng 1 tasa ng tsaa o kape bawat araw.
  • Ang mga gulay na may potassium ay dapat kinakain pagkatapos mabawasan ang nilalamang potassium nito (ayon sa nasabi sa baba).
  • Iwasan ang sabaw ng buko, fruit juices at mga pagkaing mataas ang potassium (nakalista sa itaas).
  • Halos lahat ng pagkain ay may potassium, ang susi ay pumili ng mga pagkain na mababa sa potassium kung maaari.
  • Ang pagbawas ng potassium ay di lamang para sa di pa nagdadialysis na pasyenteng may CKD, ngunit kinakailangan din ito kahit nagdadialysis na.

Paano mapapababa ang potassium sa gulay?

  • Balatan at hiwain ng maliliit ang mga gulay.
  • Hugasan ang mga gulay ng maligamgam na tubig at ilagay sa malaking kaldero.
  • Lagyan ng mainit na tubig ang kaldero (ang dami ng tubig ay 4 hanggang 5 sa dami ng gulay) at ibabad ang mga gulay na di bababa ng isang oras.
  • Pagkatapos ibabad ang mga gulay ng 2-3 oras, banlawan ito ng tatlong beses ng mainit-init natubig.
  • Sa dakong huli pakuluan ang mga gulay na may dagdag na tubig. Itapon ang tubig.
  • Lutuin ang pinakuluang gulay ng ayon sa kagustuhan.
  • Kahit na maaaring mapababa ang potassium sa mga gulay, mas mainam pa rin na iwasan ang mga gulay na may mataas na potassium o kumain lamang nang kaunti.
  • Ang mga bitamina sa nilutong gulay ay nawawala,ang vitamin supplements ay dapat inumin batay sa payo ng manggagamot.

Mga espesyal na tips para matanggal ang potassium mula sa patatas

  • Ang pag-dice, paghiwa, at pagkudkod ng patatas sa malilit na piraso ay importante. Ang pagbabad sa tubig ng patatas ay makababawas sa dami ng potassium mula sa patatas.
  • Ang temperatura ng tubig na ginamit sa pambabad o pagpapakulo ng patatas ay nakatutulong.
  • Ang paggamit ng maraming tubig sa pambabad o pagpapakulo ay nakatutulong.

6. Pagbawas ng Phosporus sa Pagkain

Bakit kailangan ng mababang phosphorus ang pagkain ng mga pasyenteng may CKD?

  • Ang phosphorus ay isang mahalagang mineral upang mapanatili ang mga buto na malakas at malusog. Ang sobrang phosphorus sa pagkain ay tinatanggal ng katawan sa pamamagitan ng pag-ihi. Napapanatili nito ang tamang antas ng phosphorus sa dugo.
  • Ang normal na dami ng phosphorus sa dugo ay 4.0- 5.5 mg/dL.
  • Ang mga pasyenteng may CKD ay di kayang alisin ang labis na phosphorus galing sa pagkain kung kayat tumataas ang antas nito sa dugo. Ang mataas na phosphorus sa dugo ang sumisipsip ng calcium sa buto na nakakapagpapahina rito.
  • Ang mataas na phosphorus ay maaaring magkaroon ng maraming problema tulad ng pangangati, panghihina ng buto,masasakit na buto, pagtigas ng mga buto, at masasakit na kasukasuan. Ang paninigas ng buto ay maaaring humantong sa pagkabali ng mga buto.

Ano-anong mga pagkaing nagtataglay ng mataas na phosphorus ang dapat bawasan o iwasan?

  • Mga gatas at produktong gatas: keso, tsokolate, condensed milk, ice cream, milk shake.
  • Pinatuyong prutas: kasuy, almonds, pistachios, pinatuyong buko, walnuts.
  • Malamig na inumin: Dark colas, beer.
  • Karot, mais, mani, guisantes, kamote.
  • Protina ng hayop: karne, manok, isda, at itlog.

7. Mataas na Bitamina at Fiber

Ang mga pasyenteng may CKD ay karaniwang nagdurusa sa kulang na suplay ng bitamina sa panahon na hindi pa sila nadadialysis dahil sa kawalan ng gana kumain, at ang sobrang pagbawas sa pagkain sa kagustuhang mapabagal ang pagkasira ng mga kidney. May ilang mga bitamina—lalo na ang water soluble na Vitamins B, vitamin C at Folic Acid—ay nawawala habang nagdadialysis.

Upang mapunan ang kakulangan o pagkawala ng mga bitamina, ang mga pasyenteng may CKD ay nangangailangan ng suplementasyon ng water-soluble vitamins at trace elements. Ang mataas na fber ay may pakinabang sa mga pasyenteng may CKD. Ang mga pasyente ay pinapayuhang kumain ng mas maraming sariwang gulay at prutas na mayaman sa bitamina at fbers habang iniiwasan ang mga pagkaing may mataas na potassium.

Pagdisenyo ng Pang-araw-araw na Pagkain

Sa mga pasyenteng may CKD ang pang-araw-araw na pagkain at inom ng tubig ay planado at inililista ng mga dietician alinsunod sa payo ng nephrologist.

Mga karaniwang tuntunin sa pagplano ng pagkain ay ang sumusunod:

  1. Pag-inom ng tubig at iba pang likido: Ang pag- inom ng mga likido ay dapat bawasan ng naaayon sa payo ng manggagamot. Ang pagtalâ ng araw-araw na timbang ay dapat panatiliin. Anumang hindi naaangkop na pagbigat ng timbang ay maaaring magpahiwatig ng pagdami ng inom ng likido.
  2. Carbohydrate: Upang masiguro na ang katawan ay nakatatanggap ng tamang dami ng calories, ang mga pasyenteng may CKD ay maaaring kumain ng asukal o pagkaing may glucose kasabay ng cereals sa kondisyong ang pasyente ay hindi diabetiko.
  3. Protina: karne, gatas, cereals, legumes, itlog at manok ay mga pangunahing pinagmumulan ng protina. Ang mga pasyenteng may CKD na hindi pa nagdadialysis ay pinapayuhang limitahan ang protina <0.8 grams/kg body weight/day. Kapag nasimulan na ang dialysis, ang protina ay maaring itaas sa 1-1.2 grams/kg body weight/day.
  4. Fat: Ang fats ay maaaring pagkunan ng enerhiya dahil ito ay magandang pinagmumulan ng calories. Monounsaturated at polyunsaturated fats gaya ng olive oil, safower oil, canola oil o soybean oil ay maaaring gamitin sa limitadong dami. Iwasan ang saturated fats tulad ng sa animal lards.
  5. Salt: Kadalasan sa mga pasyente ay pinapayuhanng low salt diet. Mas magandang sundin ang “no salt added” na pagkain. Hanapin ang food labels at piliin ang pagkaing mababa sa asin ngunit siguraduhing na ang salt substitutes na naglalaman ng mataas na potassium ay iwasan. Tingnan ang food labels ng mga ibang pagkaing may sodium tulad ng sodium bicarbonate (baking powder) at iwasan ito.
  6. Cereals: Kanin o produktong bigas tulad ng flattened rice ay maaaring kainin. Para maiwasan ang pagkasawa sa pagkain, iba-ibahin ang pagkain ng cereals tulad ng trigo, kanin, sago, semolina, all purpose flour, at cornflakes. Kaunting dami ng mais at barley ay maaaring kainin.
  7. Gulay: Ang mga gulay na may mababang potassium ay maaring kainin ng walang limitasyon. Ngunit ang mga gulay na mataas sa potassium ay kailangan dumaan sa proseso ng pagtatanggal ng potassium bago ito kainin. Upang magkalasa, maaaring magdagdag ng lemon juice.
  8. Prutas: Ang mga prutas na mababa sa potassium tulad ng mansanas, papaya, at berry ay maaaring kainin ngunit isang beses lamang sa isang araw. Sa araw ng dialysis, ang pasyente ay maaaring kumain ng isang kahit anong prutas. Fruit juice at sabaw ng buko ay iwasan.
  9. Gatas at produktong gatas: Gatas at mga produkto nito gaya ng gatas, yogurt, at keso ay naglalaman ng mataas na phosphosrus at kailangan itong limitahan. Ibang mga produktong gatas na may mababang phosphorus ay ang mantikilya, cream cheese, ricotta cheese, sherbets, at nondairy whipped toppings sa halip ay maaaring kainin.
  10. Cold drinks: Iwasan ang mga dark colored sodas dahil mataas ito sa phosphorus. Huwag uminom ng fruit juice o sabaw ng buko dahil napakataas nito sa potassium.
  11. Tuyong prutas: pinatuyong prutas, mani, sesame seeds,sariwa o pinatuyong buko ay dapat iwasan.