Ang Impeksyon sa Ihi (Urinary Tract Infection – UTI) ay pangkarinawang problema na nakikita sa mga bata na maaaring magdulot ng panandaliaan at matagalang komplikasyon sa kalusugan.
Bakit kailangang maagapan at mabigyan ng mabilisan pagsusuri at gamutan ang impeksiyonsa ihi ng mga bata kaysa sa mga mas matanda?
Ang mga bata na nangangailangan ng madaliaan at kaukulang atensiyon:
- Ang UTI ay pangkarinawang nagdudulot ng lagnat sa bata. Ito ay pangatlo sa pinakamadalas na impeksiyon sa bata. Ang nangunguna ay ang impeksiyon sa baga at ang pangalawa ay pagtatae.
- Kulang o di maagapang gamutan ay maaaring magdulot ng permanenteng sira sa kidney. Paulit-ulit na UTI (recurrent UTI) ay maaaring magdulot ng mataas na blood pressure, di paglaki ng kidney, at pangmatagalan pagkasira ng kidney (Chronic Kidney Disease).
- Minsan hindi kaagad nalalaman na ang nararamdaman ng bata ay ang impeksiyon sa ihi dahil maaaring iba’t iba ang mga sintomas nito. Mataas na paghihinala at pagbabantay ang kailangan upang malaman ang sakit na UTI sa bata.
- Mataas ang pagkakataon na maulit na magkaroon ng pababalik balik na UTI sa bata.
Ano ang mga maaaring magdulot ng UTI sa bata?
Ito ay mga bagay na maaaring magdulot ng UTI sa bata:
- Ang pagkakaroon ng maliit na urethra ng babae ang isa mga dahilan kung bakit mas pangkarinawang nakikita ang UTI sa batang babae
- Paglinis at pagpunas mula sa likod papuntang harapan (dapat ay harap papuntang likod) pagkatapos pumunta sa banyo
- May mga di pangkaraniwan o mali sa anatomiya sa bahagi ng daanan ng ihi (halimbawa ay posterior urethral valve)
- Mga kondisyon na abnormal sa bahagi ng katawan mula pagkasilang katulad ng vesicoureteral reflux (sakit ng bumabalike ang ihi mula sa bladder paakyat sa ureter papunta sa kidney) at posterior urethral valve
- Hindi tuling mga batang lalake ay mas madaling magkaroon ng UTI kaysa sa mga lalaking tuli
- Bato sa daanan ng ihi
Mga iba pang sanhi ng puwede makaradag sa pagdulot ng UTI sa bata
- Nahihirapan sa pagdumi (consitipation)
- Maling paghuhugas o hindi paglinis ng katawan
- Matagal na nakalagay na sonda
- May kasaysayan ang pamilya na madalas magkaUTI
Sintomas ng Impeksiyon sa Ihi ng mga Bata
Ang mga mas matandang bata ay maaaring magsabi ng kanilang mga nararamdaman sa pagihi. Ang mga pangkariniwang sintomas na maaaring maramdaman ng mga matatandang bata ay pareho ng matatanda.
Ang mas nakababatang edad ay hindi nakapagsasabi ng kanilang nararamdaman. Ito ay maaaring sa paaraan ng pag-iyak habang umiihi, nahihirapan umihi, makasakit kapag ummiihi, mabahong amoy na ihi, at madalas at di mapaliwanag na lagnat na maaaring sintomas ng UTI sa bata. Ang mga ibang bata ay maaari din mahina kumain, nagsusuka at nagtatae, nababawasan ang timbang, o di bumibigat, o di mapakali.
Pagsusuri sa Impeksiyon ng Daanan ng Ihi
1. Mga pangkaraniwang pagsusuri upang malaman kung mayroong Impeksiyon sa Daanan ng Ihi o UTI
Urine culture and sensitivity: Ang pagtubo ng microbio (urine culture) ay paraan upang mapatunayan ang isang pasyente ay may UTI. Inaaalam ang uri ng mikrobiyo kapag may mga tumubong orginasmo sa ihi. Ito ay nilalalagay sa iba’t ibang uri ng gamot/ antibiotic upang malaman kung anong antibiotic ang puwedeng gamitin na magbibigay lunas sa UTI
Eksaminasyon sa dugo: Hemoglobin, pagbilang ng putting dugo, Blood urea, Creatinine, Blood Sugar, at C reactive protein
1. Pagsusuri upang malaman ang sanhi ng impeksiyon sa ihi
Mga radiological test
- Ultrasound of kidney and urinary bladder (KUB)
- X-rays of the abdomen
- Voiding Cystourethrogram (VCUG)
- CT scan or MRI of the abdomen
- Intravenous Urography (IVU)
Pagsusuri upang malaman kung ang bato ay may sira na
Ang dimercaptosuccinic acid o DMSA kidney scan ay ang pinakaepektibong paraan ng eksaminasyon upang malaman kung ang bato ay mahina na. Ang DMSA scan ay dapat ginagawa pagkatapos ng 3 hangang 6 na buwan pagkatapos ng impeksyon sa ihi.
Ano ang Voiding Cystourethrogram? Kailan at paano ito ginagawa?
- Voiding Cystourethrogram o VCUG (Micturatin cystouretrogram o MCU ang dating tawag) ay isa sa pinakaimportanteng eksaminasyon upang malaman ang sanhi ng UTI at vesicoureteral reflux ng bata. VCUG ay ang “gold standard” para malaman kung may Vesicoureteral reflux ang bata at gaano ito kalala. Ito rin ay nakapagsasabi kung may depekto ang daanan ng pantog at urethra. Ito ay dapat gawin sa mga bata na dalawang taon pababa makaraan ang unang ng UTI. Ang VCUG ay dapat isagawa matapos gamuting ang UTI, kadalasan ay unang linggo ng diagnosis.
- Ang pantog ay pinupuno ng contrast (radio opaque iodine na may laman na dye na nakikita sa Xray) sa pamamagitan ng sonda. Ito ay ginagawa sa malinis na lugar at kadalasang may antibiotic na binibigay.
- Maraming X-ray ang kinukuha bago umihi at habang umiihi. Ang pagsusuring ito ay nagbibigay na detalyadong pananaw ng daanan ng ihi at ng trabaho ng pantog at urethra.
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng impeksiyon ng daanan ng ihi?
- Pag-inom ng maraming tubig. Ito ay nakatutulong na mabawasan ang tapang ng ihi at mailabas ang mga baktirya sa daanan ng ihi.
- Ang mga bata ay dapat umiihi bawat dalawa o tatlong oras. Ang pagpipigil ng ihi sa pantog ay nagdudulot ng pagdami ng masasamang mikrobiyo sa ihi.
- Panatalihing malinis ang pribadong bahagi ng mga bata. Punasan ang mga bata mula sa harapan papunta sa likod pagkatapos gumamit ng banyo. Ito ay isa paraan na maiiwasan ang pagkalat ng mikrobiyo sa daanan ng dumi papunta sa daanan ng ihi.
- Laging palitan ang diaper. Ito ay para maiwasan ang matagal na pananatili ng dumi na maaaring makontamina ang daanan ng ihi.
- Payuhan ang mga batang gumamit ng panty/brief na yari sa cotton upang magkaroon ng magandang sirkulasyon. Iwasan ang masisikip at underwear na yari sa nylon.
- Iwasan ang bubble baths.
- Sa mga hindi pa tuling lalaki, linising mabuti ang foreskin.
- Payuhan ang mga bata na dalawa o tatlong beses umihi na may VUR.
- Ang pagbibigay ng mababang dose ng antibiotic sa mga batang may chronic UTI.
Paggamot sa Impeksiyon sa IhI
A. Pangkahalatang hakbang sa gamutan
Dapat sundin ang lahat ng paraan upang maiwasan ang UTI Ang bata ng may UTI ay inaasahang uminom ng maraming tubig. Ang mga batang may sakit na kailangang maospital ay mangangailangan ng suwero upang mabigyan ng IV fluids na padaraanin sa ugat. \
Ang Urinalysis at Urine culture and sensitivity ay inuulit pagkatapos ng gamutan upang makasiguro na nagamot ang UTI at wala ng impeksiyon. Madalas na pagsusuri at pag-eksamin ng ihi ay kailangan sa lahat ng bata upang mapatunayan na hindi naulit ang UTI.
Ultrasound at iba pang mga pagsusuri ay ginagawa pagkatapos magka-UTI ng bata.
B. Tiyak na hakbang sa gamutan
- Kailangan ang maagang pagbibigay ng antibiotic nang walang antala sa mga batang may UTI. Ito ay para maiwasan ang pagkasira ng tamang paghubog ng kidney
- Ang Urine culture and sensitivity ay dapat maisagawa bago magsimulang magbigay ng antibiotic. Ito ay pnagbibigay kaalaman kung anong uri ng baktirya at angkop na antibiotic laban dito.
- Kailangang maospital ang mga batang may mataas na lagnat, nagsusuka, lubhang sakit ng tagiliran, at hindi makakain at makainom ng gamot. Kailangan din ng mga bata ang IV fluids at IV antibiotics (ibinibigay sa pamamagitan ng suwero)
- Ang mga antibiotic ay maaaring ibigay sa mga bata na may gulang na tatlo hangang anim na buwan na kayang uminom ng gamot. Importanteng matapos ang buong araw ng gamutan ng antibiotic kahit wala ng nararamdaman ang bata.
Paulit-ulit na impeksiyon sa daan ng ihi
Ang mga bata na laging nagkakaroon ng paulit-ulit na UTI ay maaaring mag-imbistiga at magsuri. Puwedeng magpaultrasound VSUG o DMSA para malaman ang sanhi nito. Ang VUR, Posteriorurethral valves, at bato sa daanan ng ihi ang tatlong sakit na puwedeng magamot na maaaring sanhi ng pauli-ulit na UTI. Kailangang malaman ang sanhi para sa tiyak at tamang gamutan. Ito ay sinusundan ng mga hakbang upang maiiwasan ang sakit at pagbibigay ng antibiotic. Ang ibang mga bata ay mangangailangan ng operasyon na pagsasang-ayunan ng urologist at nephrologist (mga doctor na specialist sa kidney at daanan ng ihi).
Ang hindi maagap at wastong paggamot sa impeksiyon sa daanan Ang hindi maagap at wastong paggamot sa impeksiyon sa daanan
Posterior Urethral Valves
Ang posterior urethral valve (PUV) ay isang abnormalidad sa urethra na matatagpuan sa mga batang lalaki; ito ay nagsisimula sa kapanganakan. Ito ay pinakamadalas na dahilan ng pagbabara sa daanan ng ihi sa batang lalaki.
Mga mahahalagang puntos at problema ng PUV:
- Ang mga ibang bahagi ng tissue sa loob ng urethra ay nagtutupi-tupi na nagiging sanhi ng bahagya o minsanang pagbabara sa daluyan ng ihi. Ang pagbabara ay nagdudulot ng puwersa laban sa paglabas ng ihi sa pantog. Ito ay maaaring magdulot ng paglaki at pagkapal ng pantog.
- Ang malalaking pantog na may kasamang maataas na presyon sa pantog ay nagdudulot ng mas matataas na presyon sa ureters at bato (kidney). Ito ay nagkakaroon ng pagbubukas at paglawak ng ureters at pelvocalyceal (drainage) system sa bato. Kapag hindi agad naagapan at nagamot ang paglaki ng ureter ito ay nagbabara, at ito ay maaaring mauwi sa permanenteng pagkasira ng bato (Chronic Kidney Disease).
- 25% hangang 30 bahagdan ng mga my PUV ay maaaring magkaroon ng end stage renal disease (ESRD) at mangangailangan ng dialysis o transplant. Ang PUV ay maaaring magdulot na labis na kasakitan at dahilan ng pagkakamatay sa bata at sanggol.
Sintomas: Ang mga sintomas ng PUV ay ang sumusunod: mahinang daloy ng ihi, paputol-putol na ihi. Pag-iri sa pag-ihi, masakit umihi, umiihi sa kama, pagpupuno ng pantog, madaling pagkapa ng pantog, at UTI.
Diagnosis: Ang Ultrasound bago ipanganak o pagkatapos isilang ang lalaking sangol ay ang unang pagtuklas ng PUV. Ang pagpapatunay ng PUV ay mangangailangan ng VCUG na ginagawa sa sanggol pagkatapos siyang ipinganak.
Gamutan: Ang mga siruhano na espesyalista sa bato sa kidney (urologists) at mga nephrologist ang mga eksperto sa PUV. Ang unang ginagawa upang magkaroon ng agapang lunas ay ang pagpasok ng tubo sa pantog (urinary bladder) kadalasan sa pagdaan nito sa uretha o minsan sa pagpasok diretso sa suprapubiccatheter. Ito ay para mailabas ang ihi. Kasabay nito ay ginagamot dapata ng impeksiyon, pamumutla, at pagkasira ng kidney. Ang pagbibigay ng tamang nutrisyon para lumusog, pagtama ng mga asin (electrolytes) sa loob ng katawan ay nakatutulong sa paggaling ng kondisyon.
Ang tunay na lunas sa PUV ay ang pag-opera upang matanggal ang valvula (Valve) sa pamamagitan ng endoscope. Lahat ng bata ay nangangailangan ng habambuhay na pagkonsulta sa nephrologist. Ito ay dahil sa mataas na panganib ng impeksiyon sa ihi, problema sa paglaki, abnormal na asin (electrolytes) sa katawan, pagkaputla, mataas na presyon ng dugo, at pagkasira ng kidney.
Vesicoureteral Reflux (VUR)
Ito ay ang pagdaloy ng ihi sa pantog pabalik at paakyat sa ureter (na dapat ay pababa mula sa ureter papunta sa pantog).
Bakit mahalaga ang malaman ang tungkol sa VUR?
Ang VUR ay makikita sa 30-40% ng mga batang may impeksiyon sa daluyan ng ihi at karamihan sa mga ito ay may lagnat. Maraming batang VUR ay maaaring magkaroon ng peklat at pagkasira ng kidney. Ang pagkakaroon ng peklat sa kidney ay maaaring magdulot ng mataas ng presyon sa dugo (hypertension), impeksiyon sa mga buntis na batang babae, pagkasira ng kidney (Chronic Kidney Disease), at maaaring mangailangan ng dialysis. Ang VUR ay pangkaraniwan ding nakikita sa mga kapamilya na may VUR din. Ang VUR ay mas madalas sa mga babae kaysa lalaki.
Ano ang VUR at paano ito nangyayari?
Ang VUR ay kondisyon na nagkakaroon ng pagbalik ng ihi sa pantog papunta sa ureter at minsan pabalik hanggang sa mga kidney. Ito ay maaaring mangyari sa dalawang bato (kidneys) at daanan nito o maaaring isa lang ang maapektuhan. Ang direksiyon ng daloy ng ihi na mula sa mga kidney ay karaniwang pababa sa ureter papuntang pantog (urinary bladder). Ang direksiyon ng daloy ng ihi ay karaniwang isa lamang, at ito ay pababa sa pantog.
Kapag umiihi ang isang tao at napuno ang pantog (urinary bladder) ng ihi, ang balbula ng pantog at ureter ay humahadlang sa pag-akyat ng ihi pabalik sa ureter o kidney. Ang pagkadepekto ng balbula ay ang sanhi ng VUR. Ang VUR ay may mga baitang (Grado I to V). Ito ay nakabatay sa lala ng pagbalik ng ihi paakyat mula sa pantog hangangang sa ureter at kidney.
Ano ang sanhi ng VUR?
May dalawang uri ng VUR. Ito ay primary VUR at secondary VUR. Ang primary VUR ay ang kadalasang sanhi. Ito ay nakikita sa pagkasilang ng sanggol. Ang Secondary VUR ay maaaring makita sa anumang edad ng bata. Ito ay madalas nakikita dahil sa pagbabara o pagkasira ng pantog (bladder) o urethra na may impeksiyon sa pantog,
Ano ang mga sintomas ng VUR?
Walang tiyak na tanda at sintomas ang VUR. Ito ay maaaring magdulot ng madalasang paulit-ulit na impeksiyon sa ihi o UTI. May nakikitang mga komplikasyon sa mas nakakatandang bata na may malubhang VUR. Ang mga komplikasyon ay mataas na presyon ng dugo, may protein sa ihi, at nasisirang kidney.
Paano natutuklasan ang VUR?
Ang mga paraan para malaman kung ang bata ay mayroong VUR
1. Mga Pangunahing pagsusuri sa VUR
Voiding cystourethrogram (VCUG)
- Ang VCUG ay ang nagpapatunay na pagsusuri sa VUR. Ito rin ang pagsusuri upang malaman ang antas ng lala ng VUR.
- Ang baitang ng VUR ay batay sa pagbalik ng ihi paakyat (reflux). Ang baitang ng VUR ay nagsasabi kung gaaano kalala ang pagbalik ng ihi sa ureter at kidney. Ang baitang ay importante upang malaman ang magiging prognosis o resulta. Ang baitang rin ay makatutulong sa pagpasya ng tamang gamutan sa pasyente.
- Ang malumanay na VUR (Mild VUR) ay nangangahulugan ang pagbalik ng ihi ay hanggang ureter lamang (Grado I at II). Ang mga mas malalang VUR (Severe VUR) ay mayroong madaming ihi na bumabalik sa ureter na nagdudulot ng paglobo at paglaki ng ureter at pamamaga ng kidney.
2. Mga ibang paraan sa pugsusuri ng VUR
- Ang pagsususri ng ihi (urinalysis)
- Ang pagpapatubo ng mikrobiyo at baktirya sa ihi. (urine culture). Kapag may tumubong baktirya ito ay sasailalim sa pagsusuri kung anong antibiotic ang puwedeng pumatay sa mikrobiyo na tumubo sa ihi. (urine culture and Sensitivity)
- Ang pagsusuri sa dugo. Mga pagsusuri ay ang pag-alam ng hemoglobin, dami ng puting dugo (White blood cells) at creatinine. Ang creatinine ay ginagamit para malaman ang ganda o tindi ng trabaho ng kidney
- Ultrasound ng kidney at pantog.
- Ang Ultrasound ng kidney at pantog ay para alamin ang laki at hugis ng kidney. Ito rin ay nagbibigay tanda kung ang kidney ay may lamat/peklat, nagsusuri kung may bato sa kidney (kidney stones), nagsasabi kung may bara sa daanan ng ihi, o abdormalidad sa daanan ng ihi.
- Ang ultrasound ayginagamit upang malaman kung bumabalik ang ihi (reflux)
- DMSA kidney scan
- Ang DMSA ay ang pinakamagandang pagsusuri upang malaman kung may peklat ang kidney
Paano ginagamot ang VUR
Mahalagang magamot ang VUR upang maiwasan ang pagkasira ng kidney (kidney failure) at impeksiyon sa kidney (UTI). May tatlong paraan upang magamot ang VUR. Ito ay ang antibiotic, operasyon, at endoscopic treatment. Ang pagbibigay ng antibiotic ay ang unang dapat gawin upang maiwasan ang impeksiyon sa ihi (UTI). Ang operasyon at endoscopic treatment ay para sa mga malulubhang VUR at hindi epektibo ang antibiotic.
Mild VUR: Ang Mild VUR ay gumagaling ng kusa kapag ang bata ay 5 hangang 6 na taon gulang. Ang mga bata na may mild VUR ay kadalasang di nangangailangan ng operasyon. Ang mga ganitong uri ng mga pasyente ay mangangailangan ng mahabang gamutan ng antibiotic para maiwasan ang UTI. Ito ay tinatawag na Antibiotic Prophylaxis. Ang antibiotic prophylaxis ay binibigay hanggang ang bata ay maglimang taong gulang. Dapat tandaan na ang antibiotic ay hindi naiiwasto ang VUR. Ang Nitofurantoin at Cotrimoxazaole ang mga antibiotic na mas magandang gamitin sa antibiotic prophylaxis.
Lahat ng bata na may VUR ay dapat sumusunod sa pangkalahatang paraan upang maiwasan ang UTI (ito ay makikita at tinalakay sa mga unang pahina). Kailangan din ang madalas na pag-ihi at maaaring idoble ang pag-ihi (double voiding).
Severe VUR: Ang pinakamalubhang VUR ay kadalasang di gumagaling nang kusa. Ang mga bata na may malubhang VUR ay mangangailan ng operasyon o ng edoscopic treatment. Ang pagwawasto ng pagdaloy ng ihi sa pamamagitan ng operasyon (ureteral reimplantation o ureteroneocystostomy). Ang mga operasyon na ito ay ang pagpigil ng pag-akyat ng ihi papuntang ureter. Ang lamang ng operasyon ay ang kadahilanan na madalas itong matagumpay at naiiwasto ang VUR ng 88 to 99%. Ang paraan ng Endoscopic treatment ay ang pangalawa sa pinakaepektibong paggamot sa malubhang VUR. Ang mga kalamangan nito ay ang sumuunod: ito ay nagagawa sa loob lamang ng 15 minuto, mababa na magkaroon ng komplikasyon, at hindi hinihiwa at sinugatan ang pasyente. Ito ay ginagawa na may pangkalahatan pampamanhid (general anesthesia). Sa ganitong paraan sa tulong ng endoscope (tubo na nakakakita sa loob ng katawan/daanan ng ihi), espesyal na materyales upang lumawak (bulking material: Dextranomer/ Hyaluronic acid copolymer – Deflux) ay nilalagay sa lugar kung saan pumapasok ang ureter sa pantog. Ang paglagay ng bulking material ay nagdudulot ng panananggalang sa ureter. Sa ganitong paraan napipigilan ang pagbalik ng ihi mula sa pantog papunta sa ureter. Ang matagumpay na operasyon na napapansin sa ganitong paraan ay 85 hanggang 95%. Ang endoscopictreatment ay mas pabor sa unang baitang ng VUR. Sa ganitong klaseng paraan, naiiwasan ang paggamit ng matagalang antibiotic at pagtitiis na may VUR na mahabang panahon sa mga bata. Ang madalas na follow up sa mga batang may VUR ay kailangan upang masubaybayan ang bigat, tangkad, presyon, at pagsururi ng ihi ng bata ng kanyang manggagamot.
Kailan magpapakonsulta sa manggagamot ang pasyenteng may UTI?
Ito ang mga sintomas sa pangangailangang makita kaagad ng manggagamot kung ang bata ay may UTI
- Di nawawalang lagnat, pangangatog, sakit o mahapding pagihi, mabahong ihi, o may dugo sa ihi.
- Nagsusuka na bata na nagdudulot ng hindi pag-inom ng pagkain, tubig, at gamot.
- Panunuyo (dehydration) dahil sa hindi makakain o pagsusuka
- Sakit sa likod at tiyan
- Mahinang kumain, di mapakali, hindi bumibigat na bata, o mukhang may sakit.