Ang prostate ay nakikita lamang sa lalaki. Ang paglaki ng prostata ay maaaring maging sanhi ng problema sa pag-ihi sa kalalakihan. (kadalasang edad 60 pataas). Sa pagtanda ng tao, mas malaki ang pagkakataong lumaki ang prostate.
Ano ang prostate? Para saan ito?
Ang prostate ay isang maliit na organ na kasinlaki ng nogales (walnut) na isang bahagi ng reproductive system ng lalaki. Ang prostate ay nasa ibaba ng pantog at harap ng tumbong. Napapaligiran nito ang yuritra, ang unang bahagi ng daluyan ng ihi pagkalampas ng pantog.
Ang prostate ay bahagi ng reproductive organ ng lalaki na naglalabas ng likidong tumutulong magbigay sustansiya sa semilya. Tinutulungan din nitong ilabas ang semilya sa ari ng lalaki.
Ano ang Benign Prostatic Hyperplasia (BPH)?
Ang ibig sabihin ng salitang ‘benign’ ay hindi ito ‘kanser.’ Samantala, ang‘hyperplasia’ ay tumutukoy sa pagdami ng cells. Ang BPH ay ang pagdami ng cells ng prostate na walang kinalaman sa kanser. Habang tumatanda ang lalaki, ang prostate ay lumalaki nang kusa. Ito ay maaaring maging dahilan upang maipit ang urethra, na nagiging sanhi ng paghirap sa pag-ihi ng isang lalaki.
Mga Sintomas ng BPH
Ang mga sintomas ng BPH ay kadalasang nangyayari sa edad na 50 taong gulang pataas. Higit sa kalahati ng kalalakihang edad 60 at higit sa 90 porsyento ng edad 80 ay may BPH. Ito ay untiunting lumalala sa pagdaan ng panahon. Ang mga sintomas ng BPH ay ang sumusunod:
- Madalas na pag-ihi lalo na sa gabi.
- Mahinang pagdaloy ng ihi.
- Kinakailangan umiri para maumpisahan ang pag-ihi.
- Kinakailangang umihi agad at hindi makahintay.
- Matagal na paglabas ng ihi.
- Paputol-putol na pag-ihi sa umpisa o kalagitnaan pa lamang.
- Inaabot ng pag-ihi sa salawal.
- Hindi nailalabas lahat ng laman ng pantog sa pag-ihi.
Mga Komplikasyon ng BPH
Ang sumusunod ay maaaring maging komplikasyon ng BPH:
Acute Urine Retention: Ang pasyente ay maaaring biglaang hindi makaihi dahil sa patuloy na paglaki ng prostate. Kinakailangang kabitan ng sonda ang mga ito upang matulungang mailabas ang ihi sa pantog.
Chronic Urinary Retention: Ang bahagyang pagbabara sa daluyan ng ihi na tumatagal ng ilang buwan ay ang tinatawag nating chronic urinary retention. Ito ay hindi masakit at ang kadalasang inerereklamo ng pasyente ay nahihirapan siyang pigilin ang pag-ihi.
Pagkasira ng Pantog o Kidney: Kapag matagal nang may naiiwang ihi sa pantog ng isang lalaki, maaari itong maging sanhi ng paglobo ng pantog at ng kidney. Habang tumatagal, maaari ding mawalan na ng kapasidad ang pantog sa pagtulong sa pagpapadalaoy ng ng ihi patungo sa urethra at palabas ng katawan. Dahil dito, maaaring bumalik ang ihi sa kidney na maging dahilan naman ng pagkapinsala nito. Kapag tuluyan nang nasira ang kidney, dialysis o kidney transplant ang magiging kahinatnan nito.
Urinary Tract Infection at Bato Sa Pantog: Kapag hindi nailalabas ang lahat ng ihi mula sa pantog, mas malaki ang pagkakataon na magkaroon ng ito impeksiyon, at ito ay maaaring magbunga ng pormasyon ng bato.
Pagsusuri ng BPH
Ang sumusunod ay mga pamamaraan upang matuklasan ang BPH:
- Digital Rectal Exam (DRE): Isusuot ng manggagamot ang kanyang daliri sa puwit ng pasyente upang makapa ang prostate. Dito, malalaman ng manggagamot kung gaano kalaki ang prostate ng pasyente, kung ito ay malambot o matigas.
- Ultrasound: Maaaring sukatin ng ultrasound ang laki ng prostate. Malalaman din nito kung may naiiwang ihi sa pantog o kung namamaga ang kidney.
- Prostate Symptom Score: Ang International Prostate Symptom Score o IPSS ay isang pagsusuri upang malaman kung gaano kalala ang nararamdaman ng isang lalaki sa pag-ihi. Ang pasyente ay tinatanong ng pitong tanong at batay sa kanilang sagot ay malalaman na ng manggagamot kung gaano kalala ang nararamdaman ng pasyente.
- Laboratoryo: Ang urinalysis ay imprortanteng eksaminasyon upang malaman kung ang pasyente ay may impeksiyon sa ihi o wala. Ang Prostate Specifc Antigen (PSA) naman ay isang eksaminasyon sa dugo para malaman kung ang isang lalaki ay pinag-hhihinalaang may kanser sa prostata.
Maaari bang magkaroon ng Kanser ng Prostate ang mga taong may BPH? Paano matitiyak kung may kanser nga sa prostate?
Oo. Maraming sintomas na nagkakapareho ang kanser ng prostata at BPH. Mahirap malaman sa pamamagitan ng sintomas lamang ang pagkakaiba nito. Walang kinalaman ang kanser ng prostate sa BPH. Ang mga mahahalagang eksaminasyon upang mahiwalay ang dalawang ito ay DRE, PSA, at ang pag-biopsy ng prostate.
Paggamot ng BPH
Maraming paraan ang paggamot ng BPH. Ang mga bagay na dapat isaisip upang malaman ang tamang gamutan ay ang tindi ng nararamdaman sa pag-ihi, ang tindi ng epekto nito sa pangaraw-araw na buhay, at kung may iba pang karamdaman ang pasyente. Ang layunin ng gamutan ay upang mabawasan ang mga sintomas, pagandahin ang kalidad ng buhay, bawasan ang naiiwang ihi sa pantog, at iwasan ang komplikasyong dulot ng BPH. Ang sumusunod ay ang mga paraan kung paano gamutin ang BPH.
A. Masusing Pagmamasid (walang gamutan)
Ito ay ginagamit kung ang sintomas ng pag-ihi ay hindi gaanong kalala. Nagagampanan ito sa pamamagitan ng sumusunod:
- Iwasang uminom ng higit 1 baso kada 1 oras.
- Huwag magpigil ng pag-ihi. Umihi agad kapag nakaramdan ng
- pagkapunong pantog
- Umihi ng pangalawang beses lamang minuto matapos umihi. Ito ay para masiguradong mailalabas lahat ng ihi.
- Iwasang uminom ng alak at inuming may “caffeine” Gaya ng kale at tsaa.
- Iwasang uminom ng tubig na hihigit sa 3 litro sa 1 araw.
- Huwag uminom ng kahit anong likido 3 oras bago matulog.
- Iwasang uminom ng gamot sa sipon na may decongestants o antihistamine.Maaaring lumala ang pag-ihi dahil dito.
- Kung ikaw ay umiinom ng gamot na naglalaman ng pampaihi, gawing tuwing umaga na lang itong inumin.
- Iwasang pumunta sa maraming lugar at mag-ehersisyo nang regular.
- Umihi ng regular na oras, kahit hindi pa gaanong naiihi.
- Siguraduhing palambutin ang dumi dahil ang matigas na dumi ay nakakalalang paghirap ng pag-ihi.
B. Mga Gamot Na Makatutulong sa BPH:
Ang gamot ay ang pangunahing solusyon sa may bahagya o katamtamang sintomas. Maaari nitong masolusyonan ang problema sa dalawa kada tatlong tao. Ang mga gamot na Ito ay ang sumusunod:
- Alpha blockers (tamsulosin, alfusizine, terazosin at doxazosine): Pinaluluwag ng mga ito ang kalamnan ng prostata para mas mapaluwag ang pag-ihi. Ang pinakamadalas na maaaring maramdaman ng mga umiinomn ito ay pagkahilo at pakiramdam na pagod.
- 5 alpha-reductase inhibitors (fnasteride, dutasteride): Napaliliit ng mga ito ang prostate. Hindi ito simbilis ng epekto gaya ng alphablockers at mabisa lamang kung ang prostate ay higit 30 gramo ang timbang. Ang madalas na nararamdaman ng pasyente ng umiinom nito ay pagkawala ng interes sa pakikipagtalik at problema sa pagtigas ng ari.
- Kombinasyon ng gamot (5 alpha-reductase + alpha blocker): Ginagamit ito sa may malalaking prostate na ang pagbibigay ng mga indibidwal na naturang gamot ay
C. Operasyon:
Ang operasyon ay inirerekomenda sa sumusunod na pasyente:
- Malalang sintomas na hindi masolusyonan ng gamot
- Biglaang hindi na makaihi
- Paulit ulit na impeksiyon sa ihi
- Paulit-ulit na pagdugo ng ihi
- Pagkasira ng kidney
- Bato sa pantog
- Maraming natitirang ihi sa pantog
Ang sumusunod ay mga uri ng operasyon na maaaring makapagdulot ng lunas para sa BPH:
1. Transurethral Resection of the Prostate (TURP)
Ito pa rin ang batayan ng lahat ng operasyon. Nasosolusyonan nito ang pag-ihi sa hanggang 90% ng pagkakataon. Naglalagay ng isang instrumento sa ari at kinakayod ang prostate. Walang hiwa sa balat ang ganitong klaseng operasyon ngunit kailangan maospital ang pasyente.
Bago operahan, ang pasyente ay sinasabihang gawin ang sumusunod:
- Magpatingin sa Cardiologist
- Huminto ng paninigarilyo
- Itigil ang pag-inom ng gamot na nagpapalabnaw ng dugo tulad ng warfarin, aspirin, o clopidogrel
Habang inooperahan, ito ang dapat tandaan:
- Ang operasyon ay tumatagal ng isang oras
- Ang pampamanhid ay itinutusok sa likod kung nasaan ang nakakapa ang buto sa gitna.
- Ang instrumento ay ipinapasok sa ari at doon pinapadaan ang prostate.
- Matapos kayurin ang prostate, kinukuha ito palabas sa pamamagitan ng malaking hiringgilya na humihigop sa mga kinayod na prostate.
- Ang natanggal na prostate ay ipinapasuri sa laboratoryo upang malaman kung may kanser o wala.
C. Operasyon:
Ang operasyon ay inirerekomenda sa sumusunod na pasyente:
- Malalang sintomas na hindi masolusyonan ng gamot
- Biglaang hindi na makaihi
- Paulit ulit na impeksiyon sa ihi
- Paulit-ulit na pagdugo ng ihi
- Pagkasira ng kidney
- Bato sa pantog
- Maraming natitirang ihi sa pantog
Ang sumusunod ay mga uri ng operasyon na maaaring makapagdulot ng lunas para sa BPH:
1. Transurethral Resection of the Prostate (TURP)
Ito pa rin ang batayan ng lahat ng operasyon. Nasosolusyonan nito ang pag-ihi sa hanggang 90% ng pagkakataon. Naglalagay ng isang instrumento sa ari at kinakayod ang prostate. Walang hiwa sa balat ang ganitong klaseng operasyon ngunit kailangan maospital ang pasyente.
Bago operahan, ang pasyente ay sinasabihang gawin ang sumusunod:
- Magpatingin sa Cardiologist
- Huminto ng paninigarilyo
- Itigil ang pag-inom ng gamot na nagpapalabnaw ng dugo tulad ng warfarin, aspirin, o clopidogrel
Habang inooperahan, ito ang dapat tandaan:
- Ang operasyon ay tumatagal ng isang oras
- Ang pampamanhid ay itinutusok sa likod kung nasaan ang nakakapa ang buto sa gitna.
- Ang instrumento ay ipinapasok sa ari at doon pinapadaan ang prostate.
- Matapos kayurin ang prostate, kinukuha ito palabas sa pamamagitan ng malaking hiringgilya na humihigop sa mga kinayod na prostate.
- Ang natanggal na prostate ay ipinapasuri sa laboratoryo upang malaman kung may kanser o wala.
Matapos maoperahan, tandaan ang sumusunod:
- Tumatagal pa ang pasyente sa look ng ospital ng 3-5 araw matapos ng operasyon.
- Malaking kateter (sonda) ang ilalagay at may tubig na naghuhugas sa pantog hanggang luminaw ang ihi.
- Kapag higit 1 araw nang malinaw ang ihi, maaari nang tanggalin ang sonda.
Mga paalala sa pasyente matapos ng operasyon:
- Uminom ng maraming tubig
- Siguraduhing malambot ang dumi ng pasyente. Maaaring dumugo ang ihi kapag ang pasyente ay napairi.
- Huwag munang uminom ng pampalabnaw ng dugo hanggang hindi sinasabi ng manggagamot
- Iwasan ang mabibigat na trabaho hanggang 6 na linggo.
- Iwasang makipagtalik hanggang 6 na linggo.
Mga posibleng komplikasyon matapos ang operasyon:
- Maaaring magkaproblema ang pasyente sa UTI o pagdurugo ng operasyon.
- Maaaring isang taon matapos ang operasyon ay maging makipot ng daluyan ng ihi, mahirap makontrol ng pag-ihi o mahirapang maipatayo ang ari.
2. Transurethral Incision of the Prostate (TUIP)
Ito ay nararapat sa maliliit ang prostate na hindi kailangan ng operasyon. Hinihiwa lamang ang prostate sa iba’t ibang lokasyon. Mas mabilis ang ganitong operasyon, hindi halos madugo, at mas mabilis makauuwi. Ngunit hindi kasing bias nito ang TURP sa paglunas ng karamdaman.
3. Open Prostatectomy
Hinihiwa ang pasyente sa puson at binubuksan ang pantog upang tanggalin ang prostate. Ito ay maaari lamang sa malalaking prostate, na hihigit pa sa 60 grams na prostate.
Minimally Invasive Treatments (MIT)
Ito ang pinakamaliit na sakit na mararamdaman ng pasyente. Ang mga ito ay kadalasang gumagamit ng init, o ilaw upang tanggalin ang nagbabarang prostate. Ang bentahe ng ganitong uri ng operasyon ay maigsing tigil sa ospital, mas kaunting anesthesia, mas mababang pagkakataon ng komplikasyon, at mas mabilis na paggaling. Ang disbentahe ng mga ganitong uri ng operasyon ay hindi kasing bilis ng tradisyonal na operasyon, mas mabilis bumalik ang sakit, at mas malaking gastusin para sa pasyente. Ang sumusunod at halimbawa ng MIT:
- Transurethral Microwave Thermotherapy (TUMT): Gumagamit ng espesyal na catheter na umiinit nang husto habang nakasuot sa daluyan ng ihi ang sonda.
- Transurethral Needle Ablation (TUNA): Tinutusok nito ang prostate at ginagamitan ng radio frequency energy para mamatay ang prostate at lumiit.
- Water Induced Thermotherapy (WIT): Mainit na tubig ang inilalagay sa prostate para paliitin ito.
- Prostatic Stent: Isang pabilog na tubo ang inilalagay sa makipot na bahagi ng prostate upang manatiling nakabuka at mahayaang maluwag na makaihi ang pasyente.
- Transurethral Laser Therapy: Isang uri ng ilaw o laser ang ginagamit para tunawin ang malaking prostata.
Kailan dapat magpatingin sa manggagamot ang pasyenteng may BPH?
Sila ay dapat magpakonsuta sa manggagamot sa sumusunod na pagkakataon:
- Hindi makaihi o hirap sa pag-ihi.
- Pananakit ng pag-ihi, balisawsaw, mabahong amoy ng ihi, o kapag nilagnat.
- Dugo sa ihi
- Hindi makontrol ang pag-ihi.
- Lalaking 50 taong gulang at pataas kahit wala pang nararamdaman.