Ang tatlong pamamaraan ng gamutan ng CKD ay ang medikal, dialysis, at transplant.
- Lahat ng pasyenteng may CKD ay binibigyan ng medikal na gamutan sa simula (gamot, tamang pagkain, at pagsubaybay)
- Sa mga pasyenteng may malubhang CKD, sila ay nangangailangan ng dialysis o transplant. Medikal na Gamutan
Bakit importante ang medikal na gamutan?
Walang lunas ang CKD. Ang mga pasyeteng may malubhang CKD ay nangangailangan ng dialysis o transplant upang mabuhay. Dahil may kamahalan ang dialysis at transplant sa India, kaunting pasyente lámang (5-10%) ang nabibigyan nito, habang ang nakararami ay namamatay. Dahil dito, ang maagang pagtuklas at pagsubaybay sa mga pasyenteng ito ay mahalaga upang maiwasang umabot sa puntong mangangailangan na sila ng dialysis o transplant.
Bakit maraming pasyenteng may CKD ang hindi nakukuha ang benepisyo ng medikal na gamutan?
Ang pagsisimula ng tamang medikal na gamutan sa unang bahagi ng CKD ang nararapat. Maraming pasyente ay walang mararamdamang sintomas o kaya naman ay magiging mas maayos kapag nasimulan ang tamang gamutan. Ang ibang pasyente, dahil sa walang nararamdamang sintomas, hindi nila naiisip ang mga komplikasyon na maaaring idulot ng CKD. Ang pagtigil naman sa medikal na gamutan ay maaari ding magdulot ng mabilisang pagkasira ng kidney na mauuwi sa dialysis o transplant.
Ang pasyenteng may CKD na nabigyan ng maagang medikal na gamutan ay maaaring mabuhay nang matagal. Ano ang mga layunin ng medikal na gamutan sa CKD?
Ang CKD ay isang progresibong sakit na walang lunas. Ang mga layunin ng medikal na gamutan ay para:
- pabagalin ang paglala ng sakit na ito.
- gamutin ang sanhi nito at mga nag-aambag na salik dito.
- paginhawain ang mga sintomas at gamutin ang mga komplikasyon sa sakit na ito.
- pababain ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso
- patagalin ang panahon na mangangailangan ng dialysis o transplant
Siyam na hakbang para sa Medikal na Gamutan ng CKD
Stage |
Aksyon |
All Stages |
- Regular na follow up at pagbabantay
- Pagbabago ng lifestyle
|
1 |
- Pagtukoy at pagbigay ng lunas upang mapabagal ang paglala ng sira sa bato
- Turuan ang pasyente tungkol sa paggamot ng sakit sa
- Gamutin ang mga kaakibat na sakit at bawasan ang posibilidad ng sakit sa puso
|
2 |
- Pagtantsa sa paglala ng sakit sa bato; gamutin ang iba pang kaakibat na sakit
|
3 |
- Gamutin ang mga komplikasyon; isangguni sa nephrologist
|
4 |
- Turuan ang mga pasyente tungkol sa kidney transplan;Ihanda ang pasyente sa kidney replacement therapy
|
5 |
- Kidney replacement sa pamamagitan ng dialysiso transplant
|
1. Gamutin ang pangunahing sanhi
Tukuyin at gamutin ang pangunahing sanhi o kadahilanan na makatutulong sa pagpapabagal at/o paglala ng CKD
- Diabetis mellitus at altapresyon
- Urinary tract infection o pagbabara sa daanan ng ihi
- Mga sakit gaya ng glomerulonephritis, renovascular disease at analgesic nephropathy
2. Mga estratehiya sa pagpapabagal ng paglala ng CKD
Maaaring magbigay ang iyong doktor ng mahalaga at epektibong pamamaraan para pabagalin ang progresyon ng CKD tulad ng:
- Estriktong pagkontrol ng presyon at pagbigay ng mga gamot na tulad ng ACE inhibitor o ARBs;
- Paglimita sa pagkain na may protina;
- Pagpapababa ng antas ng kolesterol; at
- Pagwasto sa anemia.
3. Mapaginhawa at Naaayon sa Sintomas na Paggagamot Gamot na pampaihi at mabawasan ang pamamanas
- Mga gamot sa pagkontrol ng pagsusuka, pagduduwal, at mga hindi maayos na pakiramdam sa tiyan
- Pagbigay ng calcium, phosphate-binders, vitamin D para mapigilan at maiwasto ang mga sakit sa buto na may kaugnayan sa CKD
- Pagwasto sa anemia sa pamamagitan ng iron, mga bitamina at erythropoietin injection
- Pag-iwas sa sakit sa puso gaya ng araw-araw na pag-inom ng aspirin, maliban kung may kontraindikasyon
4. Paggagamot sa mga malulunasan pang kadahilanan (reversible factors)
Hanapin at lunasan ang mga magagamot pang kadahilanan na maaaring magpalala ng CKD. Sa támang paglunas sa mga ito, ang problema sa kidney ay maaaring maayos, at maibalik ang stable na paggana ng kidney. Ang mga kadalasang nalulunasan pang kadahilanan ay:
- Kakulangan ng volume sa katawan
- Pagkasira ng kidney dahil sa mga gamot tulad ng NSAIDs, contrast agents at ibang uri ng antibiotic (aminoglycosides)
- mpeksiyon at sakit sa puso gaya ng ‘congestive heart failure’
5. Pagtukoy at paglunas sa mga komplikasyon ng CKD
Ang mga komplikasyon ng CKD ay nangangailangan ng maagang pagkilala at gamutan. Ang mga pangkaraniwang komplikasyon na nangangailangan ng agarang atensiyon ay sobrang tubig sa katawan, mataas na antas ng potassium (potassium >6.0 meq/L), malalang epekto sa puso, utak, at baga gawa ng pagkasira ng bato
6. Pagbago sa mga nakagawiang pamumuhay at mgapangkalahatang hakbang
Ang mga pamamaraang ito ay importante sa pagpapababa ng pangkabuoang peligro:
- Pagtigil sa paninigarilyo
- Pagpapanatili ng tamang timbang at regular na pageehersisyo.
- Regular na pagiging aktibo
- Paglimita sa pagkonsumo ng alkohol
- Pagsunod sa tamang plano ng pagkain at paglimita sa paggamit ng asin
- Pag-inom ng gamot sa tamang oras batay sa bilin ng doktor. Ang ilang mga gamot ay maaaring iayon ang dosage batay sa antas ng pagkasira ng kidney
- Regular na pagkonsulta at paggamot ayon sa bilin ng nephrologist
7. Paglimita sa mga kinakain
Depende sa uri at antas ng sakit sa kidney, ang paglimita sa mga kinakain ay mahalaga.
- Asin (sodium): sa pagkontrol ng altapresyon at pamamanas, ang paglimita sa pagkain ng maaalat ay kinakailangan. Ang sumusunod ay halimbawa ng paglimita sa asin: hindi na pagdagdag ng asin sa hapag kainan, at pag-iwas sa maalat na pagkain tulad ng fast food at mga de-lata.
- Pag-inom ng tubig: Ang kaunting ihi sa mga pasyenteng may CKD ay maaaring magdulot ng pamamanas at sa mga mas malalang kaso, paghabol ng hinga. Dahil sa mga nabanggit, ang dami ng iniinom ay nililimitahan sa mga may pamamanas.
- Potassium: Ang antas ng potassium ay tumataas sa mga pasyenteng may CKD. Para maiwasan ito, ang pagkain ng mataas sa potassium (dry fruits, buko juice, patatas, oranges, saging, kamatis, at iba pa) ay nililimitahan batay sa bilin ng doktor.
- Protina: Ang mga pasyenteng may CKD ay dapat umiwas sa mga pagkaing matataas sa protina na maaaring magpabilis sa lalong pagkasira ng kidney.
8. Preparasyon para sa dialysis o transplant Protektahan ang mga ugat sa hindi dominanteng braso mula sa oras na ikaw ay masabihan na may CKD.
- Ang mga ugat sa brasong ito ay hindi na maaaring kunan ng dugo o salinan ng mga IV fluids.
- Habang pabagsak ang trabaho ng mga kidney, darating ang punto na mangangailangan na ng dialysis o transplant. Ipaliliwanag ng nephrologist sa iyo at sa iyong pamilya ang mga pagpipilian sa paggamot batay sa pangangailangan at sa gusto ng pasyente. Ang mga maaaring pagpilian ay hemodialysis o peritoneal dialysis.
- Kung ang hemodialysis ang nanaisin ng pasyente, ang pasyente at ang kaniyang pamilya ay papayuhang magpagawa ng AV fstula – 6 o 12 buwan bago ang inaasahang panahon kung kailan masisimulan ang hemodialysis.
Sa CKD, ang paghigpit sa mga kinakain ang maaaring makapagpabagal ng tuluyang pagkasira ng kidney at ng mga komplikasyon nito.
- Ang pasyenteng may CKD ay maaari ding magpatransplant bago pa man masimulan ang dialysis.
- Ang pasyenteng may CKD ay dapat magpabakuna laban sa hepatitis B para maiwasan na mahawa sila ng sakit na ito. Apat na dobleng dose ng bakuna para sa hepatitis B ang iiineksiyon sa pagitan ng 0, 1,2at6nabuwan.
9. Pagkonsulta sa Nephrologist.
Ang pasyenteng may CKD ay nangangailangan ng maagang konsultasyon sa nephrologist at mabigyan ng edukasyon ukol sa dialysis. Ang maagang pagkonsulta sa nephrologist ay makapagpababagal sa tuluyang pagkasira ng kidney at sa pangangailangan ng dialysis o transplant.
Alin ang pinakaimportanteng gamutan para maiwasan o mapabagal ang tuluyang pagkasira ng mga kidney?
Kung anuman ang dahilan ng pagkasira ng mga kidney, ang mahigpit na pagkontrol sa BP ang pinakaimportanteng gamutan upang maiwasan o mapabagal ang tuluyang pagkasira ng kidney. Ang mataas na BP ay makapagpapabilis ng pagkasira ng kidney at magdudulot ng mga komplikasyon gaya ng atake sa puso o stroke.
Alin ang mga gamot na maaaring ibigay para sa altapresyon?
Ang iyong nephrologist or doktor ay mamimili ng gamot na nararapat para makontrol ang iyong altapresyon. Ang pinakakaraniwang gamot at ang tinatawag na angiotensin converting enzyme (ACE) inhibitors, angiotensin receptor blockers (ARBs), calcium channel blockers, beta blockers o mga pampaihi. AngACE inhibitors atARBs ang unang ginagamit na gamot sa pagkontrol ng altapresyon. Ito ay tumutulong upang mapabagal ang pagkasira ng kidney, at pumoprotekta sa mga kidney.
Ano ang dahilan sa pagkontrol ng BP sa pasyenteng may CKD?
Inirerekomendang panatilihin itong mas mababa sa sa 130/80 mmHg.
Ano ang pinakamahusay na paraan sa pagsubaybay sa pagkontrol ng BP sa pasyenteng may CKD?
Ang madalas na pagkonsulta sa doktor para malaman ang iyong BP.
Ngunit ang pagbili ng aparato para masukat ang BP ay makatutulong sa pagsubaybay sa BP ng pasyenteng may CKD. Ang paglista ng mga nakukuhang BP ay makatutulong sa iyong doktor upang maitama at maiayos ang mga gamot ng pasyente para sa altapresyon.
Paano nakatutulong ang gamot na pampaihi sa pasyenteng may CKD?
Ang iyong doktor ay maaaring magbigay ng pampaihi para makatulong sa pagdami ng ihi at mabawasan ang pamamanas at hirap sa paghinga ng pasyente. Dapat tandaan na ang gamot na ito ay maaaring makaragdag sa dami ng ihi ng pasyente ngunit hindi nito malulunasan ang nawalang kakayahan ng kidney.
Bakit nagkakaron ng anemia ang pasyenteng may CKD at paano ito malulunasan?
Kapag ang ating mga kidney ay nagtatrabaho nang maayos, ito ay gumagawa ng hormone na tinatawag na erythropoietin, na tumutulong sa bone marrow na gumawa ng red cells. Kapag nasira na ang mga kidney, ang antas ng erythropoietin ay bumababa, at nagiging dahilan ng anemia ng pasyente.
Ang mga tabletang iron, mga bitamina, at may mga pagkakataon, ineksiyon ng iron direkta sa ugat ay mga unang pamamaraan para maayos ang anemia dahil sa CKD. Sa mga malalang kaso ng anemia, na hindi na nasosolusyunan ng iron na tableta, nangangailangan na sila ng erythropoietin na ineksiyon na tutulong sa bone marrow upang gumawa ng red cells. Ang pag-ineksiyon ng erythropoietin ay ligtas, epektibo at ang mas pinapaborang gamutan para sa anemia dahil sa CKD. Ang pagsalin ng dugo ay mabilis at epektibong lunas, ngunit hindi ito ang pinapaborang pamamaraan dahil sa panganib ng impeksiyon at allergic reactions.
Bakit kailangan lunasan ang anemia sa pasyenteng may CKD?
Ang mga red cells ay ang nagdadala ng oxygen sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Ang anemia sa mga pasyenteng may CKD ay nagdudulot ng panghihina, mabilis na pagtibok ng puso, pagkawala ng konsentrasyon, panlalamig, at paninikip ng dibdib, kaya ito’y nararapat na ukulan ng atensiyon at malunasan.